CHAPTER 14

7 0 0
                                    

                                :)

"A little shorter please," Dinikit ni Mommy ang dalawa niyang daliri sa buhok ko. Tinuro niya kung gaano kaikli ang ibabawas sa buhok ko. 


Sinama niya ako sa mall at pumunta kami sa parlor. Nabigla nalang ako nang sabihan niya akong papagupitan niya ako.Hindi na ako tumanggi dahil sobrang haba na ng buhok ko. Mainit na rin ang panahon kaya minsan nakakairita ang buhok ko. Nakakapagod din magtali. 


Ito ang unang beses na ibang tao ang gugupit ng buhok ko. Ako lang kasi ang gumugupit sa buhok ko para matantsa ko ang ikli na gusto ko at wala rin akong pera pampagupit.


"Okay ba ganyan kaikli, Camilla?" Mula sa salamin ay tinignan ako ni Mommy. 


"Okay lang po." Nakangiti kong sagot. Hanggang ibabaw ng dibdib ko lang ang ikli niyon. Balak din palagyan ni Mommy ng curtain bangs para raw mas maganda.


Unang ginawa sa buhok ko ay binasa nila at shinampoohan. Muntik pa akong makatulog dahil sa ginagawang pagscrub sa anit ko. Ngayon ko lang naranasan ang gantong pagpapaganda. Maganda naman na ako pero baka mas lalo akong gumanda at maging kamukha ko si Anne Curtis dahil sa ginagawa ni Mommy saakin.


Bumalik kami sa inuupuan ko kanina. Sa katabing upuan ko ay si Mommy na parang may treatment ang ginagawa sa buhok niya pati sa magkabilang paa at kamay niya, mas nagmukha siyang madam sa ginagawa sakanya.


"Lalagyan po ba namin ng kulay ang buhok niya?" Tanong ng manggugupit kay Mommy.


Napadilat si Mommy at tumingin sa akin, "Ayoko po ng kulay sa buhok. Okay na po ako sa itim kong buhok." 


"You heard her." Sabi ni Mommy at pumikit muli.


Para sa akin mas malakas ang dating ng babae kapag itim ang kanyang buhok. Para saan pa ang pag-aalaga ko sa buhok ko kung papakulayan ko lang 'to. Baka masira pa ito kapag nilagyan ng mga chemical na hindi maganda sa aking buhok.


"Bagay sa mga morenang katulad mo ang highlights o kaya naman ay Chestnut brown." Inabot niya ang isang mukhang libro sa gilid niya. Pagkabuklat ay may mga iba't-ibang kulay ng buhok doon, tinuro niya ang sinasabing kulay.


"Ayoko po talaga. Okay na ako sa buhok ko." Muling pagtanggi ko.


Narinig ko ang buntong hininga niya sa pagkadismaya. Ba't ba pilit na pilit siya magpakulay ako? 


Ilang minuto ang lumipas at nagustuhan ko ang resulta. Bagay na bagay saakin ang gupit para akong bumalik sa pagiging 13 years old ko. Ito rin ang unang beses na nagbangs ako, noon ko pa gusto gawin 'to sa buhok ko kaso baka matulad ako kay Melanie na nag-gupit ng bangs at sobrang ikli niyon, nagmukha siyang bunot.


"Omg! You're so pretty, darling." Nakatayo sa likuran ko si Mommy. Niyakap niya ako mula sa likuran ko. "Do you like it?"


"Opo, sobra ko pong nagustuhan." sagot ko.


When life plays out (TCS#2)Where stories live. Discover now