CHAPTER 3

15 0 0
                                    

TW:  This chapter contains references, to violence, assault, and alcohol consumption. Read at your own risk. You can skip this part if you're not comfortable reading it. 

                                :)


"Tia, Tama na po 'yan!" sinusubukan kong awatin si Tia Belen, kay Aling Martha. Nagchichismisan lang naman ang dalawa kanina habang binubunutan ko ng puting buhok si Tia Belen, hanggang ang usapan nila ay napunta sa inisan at nagsabunutan sila bigla.



"Huwag mo ko awatin! Hayaan mo ko magulpi 'tong p0kp0k na 'to!" tinulak niya ako palayo sa kanya.



"Ah ako p0kp0k?! Sino kaya rito na inagaw lang naman ang asawa at  iba-iba ang ama ng anak!?" hasik ni Aling Martha.



Ba't ba nagsisihan pa ang dalawa eh parehas naman talaga silang— Ayoko sabihin yung word. Pero totoo naman na parehas silang ganon. Kalat na kalat ang mga kanya-kanyang isyu sa bayan namin. Mga tao nga naman talaga, ayaw pang aminin ang mga balita na kumakalat patungkol sa kanila, na sila mismo ay alam nilang totoo ang mga iyon. Mga nagmamalinis pa, hindi naman ganon kalilinis!



"Belen! Tama na yan!" Dumating ang mga asawa nila at pinaghiwalay ang dalawa.



Padabog na pumasok si Tia at lahat ng makikita sa dadaanan niya ay ihahagis o babanggain niya. Pumunta ako sa kusina upang magtago dahil paniguradong madadamay ako sa galit niya at baka sa akin pa niya ibuntong ang init ng ulo.



"Ano ba ginagawa mo?" Tanong sa kanya ni Tio Juancho.



"Siya kasi eh!" Pinunasan ni Tia ang kanyang pawisang noo. 



"Anong siya kasi? Hindi ka talaga nag-iisip Belen, puro init ng ulo ang pinapaiiral mo. Pano kung magreklamo yun? Nakalimutan mo na ba na isang reklamo nalang sa'yo hindi magdadalawang isip si Chairman na ipadakip sa mga tanod." galit na ani ni Tio.



Marami na ang nagreklamo kay Tia dahil sa pagiging chismosa niya at minsan ay nakikipag-away talag siya, hindi siya nagpapatalo.



"Umayos ka nga, Belen, hindi na tayo mga tenedyer para umakto ka ng ganyan. Hindi tayo pabata ah, patanda na tayo. Iayon mo yang utak mo sa edad mo!" Rinig kong sermon ni Tio sa kanya. "Camilla! Tubig nga para sa tia mo."



Dali-dali akong kumuha ng tubig sa gripo at maingat iyon na inabot kay Tia. Nagulat ako ng bigla niya iyon isaboy sa akin.



"Isa ka pa!" sabi niya sa akin at tinapon sa kung saan ang baso kaya nabasag iyon, "Simula nung dumating ka nagkanda leche-leche buhay ko!"




"P-Po?" nanginginig na sabi ko.



"Malas ka! Isa kang malas sa buhay namin! Kaya dahil sa'yo inatake tatay ko sa puso at ang kapatid ko ay namatay!" sigaw niya sa akin.



Bawat pagbibitaw ng mga masasakit na salita ay parang sinasaksak ang puso ko. Kusang nagbagsakan ang mga luha ko. Pumunta sa likuran ko si Tio Juancho at tinakpan ang magkabila kong tenga.

When life plays out (TCS#2)Where stories live. Discover now