CHAPTER 1

29 0 0
                                    

                                :)

"Camilla, Si paolo! nakikipag-away nanaman!" Sigaw ni Ana na kaklase ko papasok sa classroom namin.


"Ano!? Asaan sila? Ba't ba napaaway nanaman sya!?" Tanong ko habang patakbo palabas ng classroom.


"Hindi ko alam kung bakit. Basta nag-aaway sila ni Enzo sa quadrangle!" Sabi nya at nakita kong nagkakagulo sa quadrangle namin.

Bumaba kami sa hagdan at nakita ang nagkukumpulan na mga estudyante. Hinawi ko silang lahat para mapunta ako sa unahan. Nakita ko ang grupo ni Paolo at Enzo na nagsusuntukan.

"Paolo!" Sigaw ko sa isang lalake na nasa ibabaw na sinusuntok ang isang estudyante. "Isa! Tumigil kayong lahat!" Sigaw ko muli.

Nilibot ko ang paningin ko dahil baka mamaya dumating si Principal Ching at mayayari nanaman siya. Nahagip ng mga mata ko ang kapatid niya na si Red, pinapanood niya lang kapatid habang nakikipag suntukan. Wala ba siyang balak awatin 'to!?

Buong lakas kong hinila si Paolo palayo sa estudyante na tinatawanan lang siya habang duguan na ang mukha nito, "Sabing tama na eh!"

Hinila ko rin ang iba niyang kaibigan at pumagitna sa dalawang grupo. Kalaunan ay nakarinig kami ng mga pito na papalapit sa amin. Parang bula na nawala ang mga estudyanteng kanina'y nakapaligid sa amin.

Nagsi-datingan ang mga guwardiya at kasama ang principal namin. Nakataas noo itong nakatingin sa amin at nanlilisik na mga mata ang tinapon sa amin.

"Kayo talagang mga estudyante kayo! Imbes na pigilan niyo ay pinili ninyong panoorin ang kaguluhan na ito!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong quadrangle.

Isa siyang mataba at singkit na principal. Ching ang tawag namin sa kanya dahil isa siyang chinese pero ang totoo niyan ay kamukha niya lang talaga yung pigurin sa canteen na isang pusa na kumakaway.

"Anong kaguluhan nanaman 'to?" Baling niya sa dalawang grupo.

"Si Paolo ang na una!" Sabi nung isang lalake na kabilang kela enzo.

Nanlamig ako bigla nang tignan niya ako, "Kasama ka sa kanila?"

"H-Hindi po, Ching... A-Ako pa nga po umawat s-sakanila." Nauutal kong sabi.

"Hindi siya kasama sa amin," Depensa ni Paolo sa akin.

"All of you in my office now! Except sa'yo Camilla." sabi niya bago tumalikod.

Gamit ang batuta ng mga guwardiya ay tinulak sila para pasunudin kay Ching sa principal office. Biglang lumabas sila Ella at Melanie na mga kaibigan ko sa kung saan. Hinila nila ako pabalik sa classroom.


"Ano kayang mangyayari sakanila." malungkot na sambit ni Melanie.


"Malamang suspend nanaman yang si Paolo." masamang tingin ang tinapon ko kay Ella.


"'wag ka nga nagsasabi ng ganyan, baka magkatotoo!" suway ko sa kanya.


"Anjan na si ma'am!" sigaw ng presidente naming maingay.

Pagpasok na pagpasok nang guro namin ay kaagad itong nagsimula ng klase. Imbes na makinig ako sa guro ko ay naiisip ko si Paolo, tiyak na malalagot nanaman siya sa daddy niya kapag nasuspend nanaman siya.

Nakatingin lang ako sa bintana kung saan tanaw ang likod ng school. Nagulantang ako nang biglang sumulpot ang dalawang tao na hindi makalakad ng diretso dahil sa naghahalikan ang mga ito.


When life plays out (TCS#2)Место, где живут истории. Откройте их для себя