♥️CHAPTER 2♥️

273 7 0
                                    

"MIKAH POV'S"

Ang weird ni Mara ngayon parang nababaliw na Ewan! diko gets! Kanina imbis na magpakilala Siya sa lahat don Siya nagpakilala Kay Jeje at take note natulala effect Ang bruha, nagtataka Ako Kasi hindi naman Siya ganyan dati si Mara Kasi yong tipo Ng taong walang pakialam sa paligid niya yong tipong hindi interesado sa mga Bagay Bagay.

Sa pagkakilala ko sa kanya Hindi Siya masyadong nagsasalita kapag kinukulit ko oo, tingnan mo kanina Ang daldal ko Diba? Pero tinitingnan Niya lang ako! Wala namang Kaso sakin yon Kasi sanay na Ako sa kanya ganoon na talaga yong pagkakilala ko sa kanya then Siya Rin yong nakilala Kong mayaman na sobrang Kuripot Akala mo naghihirap na ehhhh! pati recess Namin Hindi talaga Siya gumagastos ni Hindi ko pa Siya nakitang Kumain sa canteen.

Tinitingnan ko Siya habang nagtataka pa Rin may iba talaga sa babaeng to ehhh..

My name is MIKAH DELOS SANTOS Ang nag iisang Kaibigan ni KAMARA, dalawa lang kaming magkakapatid which is yong kuya ko na nasa CSS Grade 12 na ngayon. Hindi kami mahirap at mas lalong hindi Rin kami mayaman yong sakto lang construction lang Ang trabaho Ng papa ko, Siya Kasi yong porman sa kanila inshort pwede siyang Hindi magtrabaho kung gugustuhin Niya dahil bibigyan parin naman Siya Ng sweldo Ng engineer nila, siguro kung nakapagtapos si papa baka ngayon Isa na siyang engineer Ang kaso 4th year high school lang yong natapos niya, si Mama naman karenderya ang trabaho Niya, nabibigay naman nila Ang mga gusto Namin tulad Ng mga gastusin sa school project At 500 sa Isang araw Ang allowance ko but 1K naman yong Kay kuya mas matanda Kasi Siya sakin.

"Bestt! Tingnan mo Ang gwapo ni kuya oh?Tara! Lapitan natin"

Napatingin Ako sa tatlong babaeng malapit lang sa inuupuan ko, kanina ko pa napapansin na nakatingin sila Kay JEJE, gwapo naman talaga itong si JEJE malakas yong dating Niya sa mga babae kaso nga lang bakla ang Lolo niyo! sayang talaga naging crush Kona sana ehhhh kaso nakaka disappoint, Ang lambot Niya kasing magsalita tapos kapag naglalakad kekembot kembot pa Bagay na Bagay pa naman yong school uniform sa kanya. Nakangiwi kong tiningnan yong mga babaeng papalapit sa pwesto ni JEJE at kilig na kilig pa na Akala mo kinakatay ehhh! Tapos yong Isa sa kanila parang pamilyar sakin, teka parang kaklase ko Siya pero impossible Kasi pink yong palda Niya ibig sabihin nasa lower school palang Siya.

"Hi! I'm Kristen Seven and this is Laida Mendez at Lara Mae Fuentes, nice to meet you kuya! Ang gwapo niyo po!"

"Hehehe...hello my name is Jeje Marquez nice to meet you too sa inyo"

Natawa nalang Ako sa naging reaksyon nila lumambot Kasi bigla yong boses ni Jeje,  Ang O.A naman Ng mga babaeng to may patakip takip pa sa bunganga na Akala mo talaga gulat na gulat.

"Ahhhhhh...are you gay po?"

Sabi pa nong babaeng LAIDA na mataas yong height sa kanilang tatlo.

"Yess! I am why?"

"Hahahahaha...sayang ka kuya Ang gwapo niyo po sana ehhh"

"Halata na nga! Nagtanong pa!"

Napatingin bigla Ako Kay Mara na nasa tabi ko lang at tiningnan Siya habang may nagtatakang mukha, Kasi may binubulong bulong pa Siya na Akala mo bubuyog ehhh!

"Maraa! May sinasabi ka?"

Kinalabit ko Siya Ng mapatingin Siya sakin at nagulat pa Ako Ng makitang nakataas na Ang dalawang kilay Niya na Akala mo may kaaway.

"Walaa!! Umalis na nga lang tayo rito! Nawalan na Ako Ng gana!"

Tumayo Siya at nagmamadaling naglakad palabas Ng court, nakita ko pang may nabangga Siya pero binaliwala lang Ng bruha, inis na inis naman yong babaeng nabanga Niya at pinagmumura pa Siya pero wala na nakalayo na Si Mara, kapag narinig talaga ni Mara Ang sinabi Ng babaeng yon for sure masasampal to, tiningnan ko Ng maigi yong babaeng nabanga ni Mara infairness Kay ate may malaking hinaharap then yong pwet te Malaki Rin parang nagparetoki pa yata hiyang hiya yong pwet kung flat, halata Kasi Malaki talaga yong harap Niya at Hindi natural yon para sa aming mga babae.

Ayaw kasing maririnig ni Mara na pinagmumura Siya lalo na kapag Hindi ka Niya Kilala dahil talagang makakatangap ka Ng sampal kung sampal nga lang ba Ang matatangap mo dahil nanununtok Rin Ang Isang yon. Sa tagal naming magkaibigan ni Mara ni Minsan Hindi ko Siya nakitaan Ng pagka interes sa mga Bagay bagay tulad Ng paghanga sa mga lalaki, Hindi ko Siya nakitaang kinilig o tumili tulad Ng mga babaeng adik na adik sa mga gwapo, sya Kasi yong tipo Ng babaeng matapang walang inuurangan at Ika nga nila night in shinning armor dahil sa likas siyang matulungin sa mga nang aapi at dyan kami nagkakilala dahil tinulungan Niya Ako dati sa mga kaklase kung mga bully, kaya naman naging magkaibigan kami Hanggang ngayon.

Minsan nga naiisip kung baka tomboy itong si Mara Kasi sa maniwala kayo o Hindi wala pa talaga siyang naging boyfriend, marami namang nangliligaw sa kaniya nong nasa lower grade palang kami pero sa kasamaang palad walang tumatagal dahil kung Hindi Niya sinusuntok binubugbog Niya naman, Ang Sabi pa Niya sakin mga manyak raw yong karamihan sa manliligaw Niya kaya talagang walang nakakatagal.

Pumasok Ako sa classroom dahil nakita kung pumasok roon si Mara, nakita ko siyang nakatayo at may kausap yata sa cellphone Niya habang nakakunot yong kilay.

"Hey! Hintayin niyo Ako diyan!"

Sigaw Niya kaya naman yong ibang mga kaklase naming nandito ay napatingin sa kanya, nagmamadali siyang lumapit sakin dahil nasa pinto pa Ako

"Mara! Anong nangyari?"

"Si Faye may nakaaway na naman at nasa guidance ngayon Kasama si Josh"

Sabi pa nito at nagmamadaling lumabas Ng pinto, sumunod naman Ako sa kanya.

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now