♥️CHAPTER 4♥️

175 8 0
                                    

"KATHEL JOSH POV'S"

"Faye! I'm so-sorry! I didn't mean it"

Maiiyak na Sambit ni ate Mara Kay ate Faye, pareho kaming nagulat sa ginawa niyang pag sampal Kay ate Faye dahil ni Minsan ay Hindi Niya pa kami nagawang saktan sa buong Buhay naming magkakapatid, hawak Ang pisngi na Napatingin si ate Faye Kay ate Mara, naramdaman ko namang matutumba na Siya kaya agad ko siyang inalalayan sa likod.

lumapit si ate Mara sa pwesto Namin at hahawakan sana ito Ng hampasin lang nito Ang kamay niya at Galit na Galit na naglakad palabas Ng office, pabagsak pa niyang sinara Ng malakas Ang pinto.

Napatingin Ako Kay ate Ng umupo Siya bigla sa upuan at hawak hawak ang ulo na halatang namomoblema.

My name is KATHEL JOSH MARTIN, I'm 14 years old and Grade 8 high School Ako Ang bunso sa aming tatlong magkakapatid, Ang tahimik pero may dating at Minsan Ako narin yong nagsisilbing Taga awat sa dalawa kung kapatid na babae, Pakiramdam ko nga Ako yong panganay sa aming magkakapatid ehhh, nag away naman sila pero Hindi naman sila nagsasakitan sa isat isat nagbabatuhan lang Ng mga masasamang salita o kaya naman nagsisigawan Minsan, Ako Kasi yong tipo Ng taong tahimik, yong gusto ko lang mapag Isa yong nobody sa school pero kahit ganoon may mga Kaibigan parin naman Ako na Kasama ko Hanggang ngayon.

"Ate!"

Nagulat pa Ako Ng mapatingin Siya bigla sakin, sino ba namang Hindi magugulat Kong bigla bigla nalang siyang lilingon sakin at lakihan pa Ng mata.

"Umalis ka na may klase ka pa Josh! Ako na bahala sa ate mo!"

Tiningnan ko si ate Mikah Ng Sabihin Niya iyon kaya tumango nalang ako at lumabas Ng office, habang naglalakad Ako sa gilid Ng classroom namin Ang dami Kong naririnig tungkol Kay ate Faye na kesyo magnanakaw raw Siya at dinamay pa kaming magkakapatid, sa inis ko padabog kung binuksan yong pinto Ng classroom Namin at diri diritsong pumasok sa loob at hinila yong neck tie ni Jake na siyang nabigla sa ginawa ko, boses Niya Ang narinig ko kaya alam kung Siya iyon at Hindi narin nakakapagtaka dahil magkaaway na talaga kami sa simula palang.

"Ano bang problema mo sa kapatid ko huh!"

Maangas Kong ani sa kanya na ikinakunot Ng noo nito, pilit Niya na Mang inaalis yong pagkakahawak ko sa neck tie niya.

"Ano bang pinagsasabi mong loser ka? May sinabi ba Ako tungkol sa kapatid mo? Wala naman ahh! Nananahimik Ako rito Ng bigla Kang nanunugod Ng patalikod! Ikaw tong may problema ehh! Ano! May problema ka ba huh?!"

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya, kaya hinigpitan ko lalo yong paghawak sa kaniya.

"Josh! Tama na pre! Wag mo Ng patulan Ang gagong Yan! Tama na at baka kung San na naman umabot Ang away niyo!"

Pag aawat Ng dalawa Kong Kaibigan na sina Ivan Montez at Ricky Chao.

"Tama na pre! baka magalit na naman ate mo!"

Kusa akong bumitaw Ng marinig ang sinabi ni Ivan, ayoko lang madagdagan Ang sakit Ng ulo ni ate kung tutulad Ako Kay ate Faye na ginawang tambayan yong guidance.

"Ang lakas Ng apog mong manghamon sakin hah? Ano! Gusto mo suntukan Tayo? Hindi kita uurungan! Yan Ang gusto ko palaban para ganahan naman Ako!"

"Jake Asunsion! Ano ba! Tama na Yan! Pagpasensyahan mo na Lang Ang ginawa sayo ni Josh!"

"Wag Kang makialam rito Ricky! Baka pati kayo ay idamay ko pa sa tarantadong loser na to!"

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now