♥️SPECIAL CHAPTER ♥️

231 11 1
                                    

6 YEARS LATER

"JEJE POV'S"

"Kuya Jeee!!"

"Bakit? Wag ka ngang sumigaw! Marinig ka pa Ng ate Mara mo!"

"Sumisigaw ka Rin naman ehhh" Sigaw Niya pabalik kaya Sinamaan ko Siya Ng tingin habang nagta type sa keyboard ko para sa reporting ko ngayong lunes sa MNHS as a professional Math Teacher, Yes I'm graduating of Bachelor of Science in Mathematics Education from West Ateneo University.

"Kuya Bakssssss!!" Napatingin kami sa tumatakbong si Jopay at hingal na hingal pang huminto habang nanlalaki yong matang nakatingin sakin. "S-si A-ano! S-si A-te MA-RA!" Utal utal nitong sigaw.

"Ouh! Anong nangyari sa Misis ko?" Takang tanong ko sa kaniya na Hinihingal parin, tumakbo ba naman Hanggang dito sinong Hindi hihingalin Diba?

"S-si A-te MA-RA Buntis!"

"Hahahahahahahahahaha Gaga! Buntis naman talaga si Ate Mara!" Natatawang tinuro pa ni Jani Ang kapatid na sapo sapo na Ang sarili nitong noo, may Dala Dala pa itong baso sa kaliwang kamay at hindi narin maayos Ang suot nitong damit na para bang kinuyog Ng isandaang pusa.

Siyam na buwan ng buntis Ang Misis ko obviously My only one Darling na pinakasalan ko pagkatapos naming maka graduate na nabuntis Rin agad shooter Kasi Ako at Hindi nakakapagtaka yon hehe. Pagkatapos Ng kasal Namin niregaluhan kami Ng parents ni Mara Ng Isang Malaking Bahay at itong Bahay na to na ngayon ay tinitirhan Namin dahil Sabi pa nila sinadya nila itong palakihin para marami kaming mabuong supling nakakatouch naman at dahil buntis nga si Mara walang tumatagal samin na mga katulong dahil daig Niya pa Ang Bata sa sobrang kakulitan at sobrang napaka maldita kaya naman dito ko nalang pinatuloy si Jani at Jopay para may babantay sa kaniya habang nasa trabaho Ako at Ako narin Ang nag papaaral sa kanila Pina transfer ko sila sa MNHS dahil malapit lang Rin naman Ang Bahay Namin sa school at para Hindi narin sila mahirapan na mag commute.

Nakatapos Ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Business Economics Si Mara kaya ngayon Siya na Ang CEO Ng kumpanya nila dahil ibinigay na sa kaniya Ng parents Niya Ang kumpanya kaya minsan busy na busy kami pareho dahil sa mga trabahong Dala Dala Namin ngunit Hindi naman Namin nakakalimutan Ang bawat Isa madalas parin kaming lumalabas para mag date kahit nasa iisang Bahay lang kami mas maganda Kasi kapag nasa labas kayo para Damang dama niyo parin na bumabalik kayo sa high school.

Nakakamiss parin Ang high school life!

"Kuya Jeeee!!" Pinanlakihan ko Ng mata si Jani na nginiwian lang Ako. "Si ate Mara manganganak na putragis ka!"

"A-ano?!" Napatayo Ako bigla.

"Si ate Mara manganganak na!" Si Jopay naman Ang tiningnan ko na walang nagbago sa hitsura.

"H-u-h?" Parang Hindi parin ma proseso sa utak ko Ang mga sinabi nila.

"Si ate Mara manganganak na?" Naramdaman ko Ang pagsigaw ni Jani sa kaliwang Tenga ko kaya nakiliti Ako sa ginawa Niya.

"Si ate Mara manganganak na!" Nagulat Ako sa biglang sigaw naman ni Jopay sa kanan kung Tenga kaya para akong nabingi sandali at Wala na akong marinig.

"Shit! Bakit kailangan niyo pang sumigaw sa Tenga ko!" Sigaw ko sa kanila pareho Bago sila itulak.

Nagmamadali akong bumaba Ng hagdan at tinungo Ang kinaroroonan ni Mara sa kusina, Nadatnan ko siyang namimilipit sa sahig habang hawak hawak Ang malaking tiyan.

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now