♥️ CHAPTER 83: KAMJE FIRST DATE♥️

136 3 0
                                    

"JEJE POV'S"

"Ahhhhh.... Dali na, susubuan kita" Tiningnan Niya Ako Ng masama Ng iangat ko na naman yong kutsarang ginagamit ko para isubo sa kaniya Ang ice cream na kinakain ko.

Nandito na Kasi kami sa Rainbow Ice cream shop sa loob Ng Mall at kumakain Ng obviously ice cream at kaharap ko Siya na kanina pa naiirita sa pagsubo ko sa kaniya. Pinagtitinginan kami Ng mga tao dito sa loob Ng shop dahil Ang sweet raw Namin kaya itong Kasama ko ay nahihiya pa.

"Subuan mo Ang sarili mo Marquez, wag mo akong idamay sa kahibangan mo!" Napanguso Ako sa sinabi niya.

KANINA pa Siya reklamo Ng reklamo Hindi manlang Ako sinasabayan at Hindi Niya Rin Ako sinusubuan kaya nakakatampo putek!

"Ahhh Sige ganiyan ka naman Pala Noh? Hindi mo Ako sinasabayan at Hindi mo Rin Ako sinusubuan, siguro kinakahiya mo Ako Noh? O kaya naman Wala ka talagang gusto sakin at napipilitan ka lang na sam-----"

"Putragis ka! Ang dami mong satsat! Ayan ayos na ba?"

"Ta-ma naaa! Hindi A-ko maka-hinga! Papatayin mo ba Ako huh?" Sigaw ko Ng subukan Niya Ako sunod sunod kahit alam niyang malamig yong kinakain Namin.

Putek! Gusto pa yata akong patayin Ng babaeng to, sinubo ba naman sakin yong buong ice cream na kinakain ko?

"Nakakainis! Gusto mo ba akong patayin huh? Sabihan mo lang dahil papatiwakal na Ako mismo sa harap mo!" Sigaw ko mismo sa Mukha Niya na ikinangiwi niya lang, kumuha Ako Ng tissue at inabot sa kaniya kaya taka Niya akong tiningnan. "Kung ayaw mong magtampo Ako sayo, pahiran mo Ng tissue Ang labi ko dahil kasalanan mo kung bakit Ako nagkaganito" Saad ko at turo turo yong labi ko kung saan nagkalat yong ice cream na isinubo Niya sa akin Ng may PAGMAMAHAL!

"Wala ka bang kamay?"

"Meron!"

"Oh ikaw gumawa!"

"Ehh paano kung ikaw Ang gusto kung gumawa para sakin?"

"Putulin mo nalang yang kamay mo! Wala naman palang pakinabang Yan!" Nanlaki Ang matang tiningnan ko Siya.

"Grave ka! Ang harsh mo Mara! Ganiyan ka ba talaga? Gusto mo talagang putulin ko yong kamay ko? Maghintay ka gagawin ko!" Sabi ko at tumayo Ng diritso.

"At saan ka pupunta?" Sigaw Niya at nagmamadali akong lumabas Ng shop at kahit marami Ang napapatingin dahil sa hitsura ko Wala akong pakialam.

Puta! Nakakasakit na siya! Nakakainis!

"Marquez! Saan ka pupunta?" Naramdaman kong nakasunod lang Siya sakin pero Hindi ko Siya nilingon.

Bahala ka!

"JEJE! The heck! Bakit mo Ako in---"

"Bitawan mo Ako!" Sambit ko Ng akmang hahawakan Niya Ang kamay ko.

"Ano na naman Ang problema mo? Edi sorry na!"

"Edi wow!" Singhal ko Ng mag sorry nga Siya pero iba naman yong tono, napilitan lang putek!

Pareho kaming nakasakay na ngayon Ng escalator pababa Ng third floor Ng Mall habang nakakasabayan namin yong mga taong pinagtitinginan kami, Maya Maya biglang may nagpahid Ng tissue sa bibig ko at Ng tiningnan ko si Mara habang nakangiti na sakin.

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now