♥️ CHAPTER 64: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART I♥️

104 6 0
                                    

"KASHIEN FAYE POV'S"

"AISSSSTTT.... NAPAKA INGAY PUTEKKKK, ANO BA TO?"

Inis na inis akong bumangon dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko, kinuha ko yon sa ibabaw Ng mesa ko at tiningnan, nanlaki Ang mata ko Ng makitang Ang daming notification, kaya Pala napaka ingay nito Hindi na Ako nagdalawang isip na iopen yong Facebook account ko at don nagsunod sunod yong mga post at comment ng greet nila sakin Ang dami sobra, mukhang lahat ata Ng nag aaral sa MNHS alam na birthday ko ngayon Kasi sa page Namin Mukha ko lahat NASA news feed kaya natawa nalang Ako sa mga ginagawa nila, natutuwa Ako na Hanggang ngayon marami paring humahanga sakin, sanay na Kasi Ako sa kanila kasi Ganito sila kapag birthday ko baka nga mamaya may suprisa na Ang mga Yan pagpasok ko palang Ng school.

This is my Day, my Born day my special day... Lahat sila naalala pa Ang birthday ko nakakatuwa.

Nakangiti akong bumaba Ng kama at pumasok sa banyo para maligo at nakangiti parin Ako habang nagbibihis, Maya Maya biglang tumunog yong Cellphone ko kaya mas lalong lumaki yong ngiti ko Ng makitang si Jhonloyd yong tumatawag, Akala ko nakalimutan na niyang birthday ko ngayon kaya naman Hindi Ako nagdalawang isip na sagutin yon.

"HAPPY BIRTHDAY BHE" Kinilig Ako na yon agad yong sinabi niya, goshhhh kinikilig din pala ako.

"THANKS" Hindi ko pinahalatang kinikilig ako pero Ang totoo kilig na kilig na talaga ko at parang gusto ko Ng bumirit sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"I HAVE A SPECIAL GIFT FOR YOU, HIHINTAYIN KITA SA GATE NG SCHOOL OKAY?" Mahinhin nitong Sabi sa kabilang linya kaya Hindi ko talaga maiwasang kiligin lalo na at may special gift Siya sakin, Ano kaya yon? Hindi na Ako makapaghintay, Maya Maya binaba ko na yong tawag Namin at tiningnan ko yong wallpaper ko Mukha Niya yon habang naka sideview talagang napaka Ganda Ng kuha ko dito Kasi saktong sakto yong pag sideview Niya at Ang cool Niya dito, may biglang nag pop up na message at mas lalong lumaki Ang ngiti ko Ng mabasa ko yong message sakin ni Twin, kahit Galit Siya sakin Hanggang ngayon Hindi Niya parin NAKAKALIMUTAN na igreet Ako ngayong araw kaya nga naguguilty Ako sa kaniya Kasi yong dapat na fiance Niya inagaw ko kaya tuloy hindi matutuloy yong kasal nila some day because of me.

"THANKS TWIN IM SORRY"

"IT'S OKAY TWIN IM SORRY RIN AT NAGALIT AKO SAYO KAHIT WALA KA NAMANG KASALANAN KASI IKAW NAMAN TALAGA ANG MAHAL NIYA, IM SORRY TALAGA TWIN SANA HINDI PA HULI ANG LAHAT AT MAPATAWAD MO PA AKO"

"ANO KA BA TWIN, AKO NGA DAPAT HUMINGI SAYO NG TAWAD KASI INAGAW KO SAYO SI NERD"

" WALA NAMAN AKONG MAGAGAWA KUNG IKAW TALAGA ANG MAHAL NIYA TWIN KAYA IM SORRY AT NAGALIT PA AKO SAYO"

Bumuntong hininga Ako Ng malakas, salamat at nagkaayos na kami Kasi Isa din to sa problema ko ehhhh, Hindi pa kami okay pero ngayon okay na okay na.

"HAPPY BIRTHDAY TWIN A. K. A KASHIEN FAYE MARTIN, I WISH NA MAGTAGAL PA KAYO NG NERD NG BUHAY MO, SIMULA NGAYON SUPPORT NA AKO SA INYO"

Natawa nalang Ako sa text Niya sakin, Maya Maya nag text Rin si Michell at Tanya at puro happy birthday Ang tinitext, nakakatuwa talaga at may mga Kaibigan Kang Ganito, Maya Maya naisipan ko Ng bumaba sa hagdan pero huminto Ako sa gitna Ng hagdan Ng makita yong mga pinsan kung prenteng nakaupo sa sofa, kaya Ng makita nila Ako nagsisigaw na sila.

"FAYATTTTTTTTTTT..... HAPPY BIRTHDAY"

"FAYEEEEEEESSSSSS"

"BIRTHDAY GIRLLLLLLL.... I MISS YOUUUUUUU"

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now