♥️ CHAPTER 79: INTRAMURALS VII♥️

95 5 0
                                    

"MIKAH POV'S"

"Hoy! Libre na Yan!! Libre na Yan!! Libre na yarnnnn!!" Natatawa akong napapatingin sa mga kaklase kung sumisigaw habang inaasar si Rafael at Joseph na ngayon ay nakabusangot na Ang mga Mukha.

"Wait guys! Kailangan ring magpalibre ni Jonathan at Daniela Diba?!" Sabay sabay kaming napatingin Kay Jelai na tinuturo Ang pwesto ni Jonathan at Daniela na Dahan Dahan na pumapasok sa loob Ng classroom. "Hoy! At saan kayo pupunta huh? At talagang tatakas pa kayo? Kailangan niyo kaming ilibre Kasi nag effort kaming asarin kayong dalawa para lang magkatuluyan huh? Kaya let's go to the mall mall mall!" Pang aasar pa nito na inaasar Ang kapatid niyang napatingin sa kaniya Ng sobrang sama at halos magpantay na Ang dalawang kilay nito.

"Putang!" Narinig kung Singhal ni Daniela na masama Rin Ang tingin sa lahat na ngayon ay pinaparinggan sila na dapat manglibre.

"Woahhhhhh! Chibog na naman tsarapppp!"

"Kukunin ko muna bag ko para ready na sa chibugan!"

"Let's party party!"

Kaniya kaniyang sambit Ng mga ito habang kinukuha sa loob Ng classroom yong mga bag nila kaya nakisabay narin Ako para Kunin Ang bag kung naiwan sa upuan.

"Wow marupok Malala BESTFRIEND? Nginingiti ngiti mo diyan? Hahahaha" pang aasar ko Kay Mara Ng makita ko silang dalawa ni jeje na naglalambingan sa upuan, kinikiliti Kasi Siya nito sa gilid kaya pinipigilan Niya lang ngumiti kahit Ang totoo ay para na siyang matatae kakapigil tumawa.

"Ateng! Libre mo Rin kami! Kasi may Hindi ka sinasabi kaya pambayad mo narin samin!" Napatingin Ako Kay Jano na nakalapit narin Pala sa pwesto Kasama nito Ang dalawa pang Kaibigan.

"Okay! Madali naman akong kausap ehhh" nakangiti pa nitong Sabi sa MGA Kaibigan.

"Hoy! baka matunaw yang si Mara kakatitig mo BAKLA!"

"ayiehhhhhhhhhh! Kinikilig si ateng! Kaya talagang ililibre mo kami ngayon Ng malala"

"Love!" Napatingin Ako Kay Charl na nasa gilid ko lang ngunit tinarayan ko lang Siya dahilan para makita ko siyang mapanguso kaya nag iwas Ako Ng tingin para hindi Ako maging marupok sa kaniya. "Love please talk to me! Pag usapan natin to!" Kalabit pa nito sakin pero Hindi ko na Siya pinansin.

"Ayyy grabe! Alex saan na ba tayo lulugar nito? May naglalambingan sa harap natin at may nag aaway naman sa gilid natin!"

"Anong nangyari diyan!" Narinig ko pang Sabi ni jeje patungkol samin ni Charl.

"Selos ateng! Selos! Kaya nag aaway Ang dalawang iri! Kahapon pa sila ganiyan gusto ko na ngang ipatiwakal Ang dalawang to ehh!"

Inirapan ko muna si Charl Bago tumalikod sa kanilang lahat para lumabas Ng classroom ngunit naramdaman kung sumunod Siya kaya nagmadali akong maglakad pero Hindi pa Ako nakakalayo sa pinto Ng hawakan niya Ang kaliwang kamay ko kaya inis kung hinarap Siya.

"Love I'm sorry! I'm sorry kung nagselos ka sa ginawa ko Kay Barbie, pero Hindi Ako nagsisi na tulungan siya dahil kailangan Niya Ang tulong ko! Wala namang malisya yon sakin hi---"

"Sayo wala! Pero sa mga Nakakita Meron Charl!" Sigaw ko na siyang pagtahimik niya habang nakayuko.

Tangina naman! Bakit sa akin pa to nangyari! Sa babaeng yon lang talaga Ako nagseselos at alam Niya yon pero Ang ikinakainis ko ay kung bakit Siya pa Ang tumulong kahit Hindi lang naman Siya Ang naroon sa pesteng library na yon.

LOVE at First Sight with DA-GAY?Where stories live. Discover now