Prologue

864 27 2
                                    

PROLOGUE

LALAINE'S POV

Nakakapaso sa balat ang sinag ng araw bandang alas onse nang tanghali. Hindi alintana kay Lalaine ang init ng panahon at daplis nang pawis na nag hintay sa malaking Mansyon sa harapan. Napapalibutan ng nag tataasang bakod at nag kalap rin ang cctv camera sa paligid kahit mag tatakang pumuslit na pumasok–hindi makaka-daan.

Pansin ni Lalaine ang maraming bantay na mga guards at tauhan sa palibot ng Mansyon na para bang mga importanteng tao ang naka-tira doon na dapat nilang bantayan.

Hinihintay ni Lalaine ang kaniyang Lola Pasing para sabay na silang umuwi dahil day off nito ngayong araw. Sakto naman na maagang natapos ang pasok ni Lalaine sa klase kaya't maagang nag hintay siya sa labas nang gate para hintayin lamang ang kaniyang Lola.

Suot ang blue na uniforme na skirt na hanggang tuhod ang haba. Ang pang-itaas naman, simpleng t-shirt na puti– hindi na nga puti ang kulay no'n dahil nangilaw na iyon, sa araw-araw na ginagamit ni Lalaine iyon sa klase.

Naka-sabit naman sa balikat ang sling bag, na mayron na nga iyon na butas sa kalumaan at pinag tya-tyagaan ko na lang na gamitin hanggang matapos ang taong ito.

Ilang taon nang naninilbihan ang kaniyang Lola Pasing sa mayaman at kilalang pamilya. Bibihira ko lamang makita at makilala ang may-ari ng Mansyon dahil ilap din ang mga ito at parating umaalis. Naiiwan na lang sa bahay ang mga katulong at katiwala na mga tauhan para gawin ang kanilang mga gawain.

"Tiyo Robert, baka pwede naman ako pumuslit na pumasok sa loob?" Lumapit si Lalaine sa gate at naka-bantay ang dalawang guards. Kahit sumilip pa si Laline sa siwang ng gate–hindi ko pa din nakikita kong anong nangyayari sa loob ng Mansyon.

"Pasensiya kana Lala, pinag-babawal talaga na pumasok lalo't narito si Donya Lucinda. Mapapagalitan ako no'n kapag pina-pasok kita sa loob. Kong wala lang si Donya Lucinda, maari kitang papasukin." Si Donya Lucinda ang Ina nang may-ari ng malaking Mansyon na ito. Strikta daw iyon at kina-katakutan ng lahat. Hindi naman ito naka-tira dito at minsan lang dumadalaw sa bahay ng kaniyang anak para i-check kong ano ang ginagawa ng mga kasambahay na naiiwan.
Kilala na si Lala ng mga tauhan sa Mansyon at kahit na rin mga guards naging kasundo niya na rin.

"Sige na Tiyo Robert, papasukin mo na ako. Matutusta na ako dito sa init sa labas." Pakiusap ko pa dito. "Promise, dadaaan ako sa likod at sinisiguro ko talaga sa'yo na hindi ako mag papakita kay Donya Lucinda." Dugtong ko pa.

"Ang kulit mo naman Lala." Lumapit si Robert sa gate kasama si Edwin na kasama nito sa duty ng araw na iyon.

"Sige na po, papasukin niyo na ako. Mukha na akong kamatis kapula oh, hindi ka ba naawa sa akin?" Hindi ko na kayang mag-hintay pa doon sa labas. Wala din si Lala na makita na pwedeng palimliman na pwede niyang hintayin ang kaniyang Lola Pasing. Bawat makita ng mata ni Lala ang nag tataasang mga malaking bahay sa naturang subdivisions. "Sige na Tiyo Robert, Kuya Edwin." Nag puppy eyes pa ako sa kanilang dalawa para lamang pag-bigyan ang aking kagustuhan.

May pag-aalinlangan man sa mata ng dalawa.

"Sige na nga. Basta huwag kang mag papahuli ha?" Lumawak lalo ang ngiti sa labi ko, na mismo na nila akong pinag-buksan ng gate papasok.

"Maraming salamat." Ngumiti pa ako sa dalawa bago tumakbo papunta sa palikuran na hindi makikita ng mga sinumang tao na naroon.

Matagumpay akong naka pasok sa loob at hindi na nga rin napansin ng ilang kasambahay ang aking presensiya dahil abala silang lahat sa kanilang ginagawa. Buong ingat ang bawat galaw at kilos ko na hinahanap si Lola Pasing pero hindi ito makita.

Hunk Series 2: Connor Hughes [COMPLETED]Where stories live. Discover now