Chapter 4

301 14 5
                                    

CHAPTER 4

LALAINE'S POV

Nanigas ang buong katawan ko na naka-titig sa pinto na nilabasan nang dalawang bulto ng tao na kakaalis lamang.

Patuloy lamang umaagos ang luha sa aking mata at hindi maipaliwanag na sakit sa aking dibdib sa nangyari.

Anong nanyari?

Bakit ganito?

Ang bigat na nang dibdib ko; at sasabog na iyon sa sakit anumang oras.
Pilit kong inuunawa ang nangyari, subalit hindi ko maintindihan kong bakit ganito?

May humawak na malamig na kamay sa balikat ko at kina-lingon ko naman kaagad iyon. "Lala. Ano bang ginagawa mo? Bakit, basta-basta mo na lang kinakausap si Sir Connor? Gusto mo bang mapa-galitan mul——" nahinto si Claring sa pag tatalak sa akin nang mapansin nito ang daplis na luha sa pisngi ko. "Lala, ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" Ang tanong nito ang mag pabalik sa realidad sa akin.

"W-Wala ito, Claring." Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi. "Napuwing lang ako kaya ako umiyak. O-Oo, ganun nga." Pag dadahilan ko pa para hindi na ito mag tanong pa sa akin. Kahit na rin ako, hindi ko rin alam kong paano ko ipapaliwanag sakanya kong bakit ako umiiyak.

Umiiyak ako dahil hindi ako maalala ni Sir Connor, ganun ba iyon?

Tumitig sa akin si Claring. Titig na para bang nahihiwagaan at hindi naniniwala sa sinabi ko; bagkus pinaniwalaan na lang ito. "Punasan mo na ang luha mo. Bawal ang iyakin dito, ano? Halika na, kailangan na natin tapusin ang trabaho natin, bago pa tayo mapagalitan." Isang tango na lang ang sinagot ko at nauna nang mag lakad si Claring pabalik sa station namin.

Naka-assign kami ngayon ni Claring sa pag pupunas ng mga utensils. Ang iba namang mga kasamahan namin abala sa kanya-kanya nilang mga trabaho na naka-assign sa aming lahat. Apat lamang kaming katulong ang naroon sa kusina at tinatapos na namin ang aming mga trabaho. Mas doble ang trabaho at ginagawa namin ngayon dahil naroon si Sir Connor. Takot ang mga katulong na hindi nila maayos ang kanilang trabaho o kaya naman papalpak sila sa kanilang ginagawa.
Isa rin sa kina-katakutan nila ang salubongin ang galit ni Sir Connor kapag sila naka-gawa ng anumang pag-kakamali.

Tahimik ang mga katulong subalit; mararamdaman mo talaga ang tensyon at kaba sa kanilang mga galaw.

Kanina pa si Lala tahimik na naka-tayo hawak ang puting tela at pinupunasan ang babasagin na mamahalin na pinggan, na gagamitin daw para sa hapunan mamaya.
Kanina pa nag-uusap ang mga kasamahan ko subalit; dumadaan lamang sa taenga ko ang pinag-uusapan nila. Nag bibiruan pa sila at nag papatawa subalit, gaano man kasaya ang pag uusap nila, hindi ko magawang ngumiti.

Hindi ko magawang maging masaya kahit sandali lamang.

Hindi ako makapag focus.

Hindi ako mapa-kali,

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina.

"Totoo ba ang chismis na dumating dito si Mam Jessica, kanina?" Singit ni Flora. Hindi ko mawari; kong bakit bigla akong nag karoon ng interes na mag salita si Flora.

"Oo, pumunta dito si Mam Jessica kanina," Jessica? Sino naman kaya siya? Bagong kasambahay?

"Sayang naman hindi ko siya naabutan," pinag dikit pa ni Flora ang palad at nanghihiyang na hindi nakita kong sino man ang kanilang pinag-uusapan.

"Aba naman, bakit?" Pag susungit dito ni Donna. Isa din ito sa mga kasamahan naming katulong. Lingid sa kaalaman mahigit trenta  ang mga tauhan na nag tra-trabaho dito sa Mansyon ng mga Hughes. Dose na mga katulong kabilang na doon si Manang Betty. Ang iba naman harderno, taga-linis ng pools, cook, maintainace, driver at ang iba naman ang mga naka-itim na kasuotan ng mga lalaki nag sisilbing mga tauhan ni Sir Connor.

Hunk Series 2: Connor Hughes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon