Chapter 1

465 14 1
                                    

Chapter 1

LALAINE'S POV

Dinadampi ko ang bulak sa parteng sugat ni Lola Pasing. Napapa-ngiwi na lang ito sa sa sakit at hindi ko maiwasan na masaktan din sa naging kalagayan niya ngayon.

Naroon sila ngayon sa maliit na barong-barong kong saan sila nangungupahan sa maliit na lugar dito sa Maynila. Maliit lamang ang espasyo na kanilang inuupahan, na sapat na para sakanilang dalawa. Mayron naman itong maliit na sala, kong saan pwede ka tumambay at kadikit na no'n lamesa at kusina. Sa bandang kaliwang parte, naroon naman ang maliit na kwarto kong saan silang dalawa mag katabi matulog.

Silang dalawa na lang ni Lola Pasing ang mag kasama at binuhay niya ako sa pag lalako ng gulay sa palengke at kinalaunan nakapag trabaho ito na kasambahay sa mayaman na pamilya.

Namatay ang Inay ko no'ng limang taon pa lamang ako sa kadahilanan sakit sa puso samantala naman ang Itay ko, wala na akong balita pa sakaniya. Kwento na lang sa akin ni Lola Pasing, na nakapag- asawa na ito ng iba, at wala din itong alam kong saan na ito ngayon.

"Bakit mo naman iyon ginawa Lala? Bakit ka pumayag kay Donya Lucinda? Bawiin mo ang sinabi mo sakaniya."  Nahinto ako sa pag gagamot sakaniya at tumitig sa mata nito'y may bahid nang lungkot.

"Ginagawa ko lang iyon Lola para protektahan lang kayo, hindi ko maatim na saktan niya kayo." Basag kong tinig.

Hindi ko kayang pag masdan ang pag mamalupet ng Donya sa Lola ko.
May nagawa man siyang kasalanan at pag kakanali, wala siyang karapatan na saktan siya.

Kong mayaman lang sana kami, hindi ko na hahayaan pang mag trabaho sa Mansion si Lola. Matanda na ang Lola ko at may iniinda na itong sakit, halos kalahati rin ng kaniyang sinasahod napupunta lang sa pang gagamot nito at ang iba naman sa pag aaral ko, at iba pang gastusin.

Matagal na sanang gustong mag hinto ni Lola sa pag tra-trabaho sa Mansion subalit, may isang bagay na pumipigil sakaniya iyon ang renta sa upa at gastusin rin sa gamot nito. Kong titigil siya sa pag tratrabaho.

Saan naman kami kukuha sa pang bili ng gamot?
Kahit puspusan man kami mag trabaho ni Lola, hindi pa rin sapat iyon.

Sinisikap ko naman na pag butihin ang pag-aaral sa public school. Nag raraket din ako mag trabaho kong saan-saan para ang perang ibibigay sa akin ni Lola Pasing, hindi ko maigalaw at maidagdag na lamang namin sa pang bili ng gamot nito.

"Kaya ko naman ang sarili ko. Hayaan mo na ako na lang sumalo ng problema dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Bukas na bukas papasok ka sa paaralan mo, at kakalimutan mo na kong ano man ang napag-usapan niyo ni Donya Lucinda." maluha-luha ang mata ng matanda na tumitig sa akin.

"Kailangan mo nang inumin ang gamot mo, Lola." Pag-iiba ko pa ng usapan.
Ayaw ko ng makipag talo pa sakaniya.
Tanggap ko na rin naman na kailangan kong mag trabaho sa mayaman na pamilya na iyon.

Tumayo ako para kunin ang gamot para ipa inom dito at kumuha na rin ako ng tubig at tumabi ulit kay Lola.

"Lala," pakiusap nitong muli sa akin. "Huwag kanang tumuloy, ako na lang ang kakausap kay Donya Lucinda, tiyak na makikinig siya sa akin."

"Paano kong hindi?" Hindi nakapag-salita si Lola. "Paano kong, ituloy niya pa rin ang banta na ipa-kulong kayo? Hindi kakayanin ng konsensiya ko, na makita kayong nasa kulungan Lola. Gagawin ko ito, kahit walang basbas mo." Dugtong ko pa.

"Hindi kasi madali ang iniisip mo Lala. Ibang-iba ang pag trabaho sa Mansion, hindi kagaya ng pag lalako mo ng pag-kain sa bayan, hindi ganun kadali.." anito. "Hindi ito ang gusto ko para sa'yo, ang mag gaya sa akin." Hinwakan ni Lola ang kamay ko at nag katitigan kaming dalawa sa mata. "Hindi sa mababa ang tingin ko sa isang kasambahay, pero hindi ito ang gusto ko para sa'yo Lala... Nangako ako sa Inay mo, bago namatay na itataguyod kita na makapag- tapos sa pag aaral mo dahil iyon ang hiling ng iyong Ina. Para makapag-tapos ka ng pag aaral at, maka-hanap ka ng disenteng trabaho Lala."

Hunk Series 2: Connor Hughes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon