Chapter 3

302 12 2
                                    

Chapter 3

LALA'S POV

"Anong ginagawa mo dito?" Sobrang kalakas ang tibok ng puso ko sa takot na makita kong sino iyon.
Paano?

Nalaman niya?

May alam ba siya?

Nanuyo ang lalamunanko sa kaba nang makita kong sino talaga ito.

"L-Lola." Iyan na lang ang nabanggit ko na makita si Lola Pasing. Palinga-linga pa ang matanda para tignan kong may ibang tao pa ba ang naka-kita sakanilang dalawa.
Bago paman ako makapag-salita, hinatak niya na ako paalis sa lugar na iyon.

Kanina pa tulala at yakap-yakap ang tuhod ko. Mag kasama sila ni Lola Pasing sa isang silid at iilan sa kasama nila sa maids area mahimbing pa rin ang kanilang tulog.

Kahit hindi man mag salita ni Lola, ramdam ko pa rin ang maka-hulugang titig niya sa akin.

Titig na maraming katanungan sa isipan nito, pero hinihintay na lang ako na naunang mag salita.

"Lala." Tawag nitong muli. Umupo pa ito sa higaan kong saan ako naka-pwesto at kahit naka-patay na ang mga ilaw sa silid kita ko pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. "May nangyari ba? Kanina ka pa tahimik." May kong anong kaba sa dibdib ko nang tanungin niya ang bagay na iyon.
Hindi ko rin alam kong paano ko ba talaga sakaniya ipapaliwanag ang mga nangyari?

Sobra akong nahihiya.

Sobra akong natatakot sa aking ginawa.

Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sakaniya naibigay ko ang sarili ko sa isang tao na hindi naman karapat-dapat.

Sa lalaking hindi naman ako mahal.

Alam kong mali ang nagawa ko, dapat hindi na lang ako nag padala sa bugso ng nararamdaman ko.

Pero wala na akong magagawa para ibalik ang nangyari.

Hindi ko alam kong paano ko ba haharapin lahat ng mga bagay na posibleng dumating, sa isang pag kakamali na nagawa ko.

"Nagising kasi ako na wala ka dito kaya't hinanap kita. Bakit ka napunta sa ikalawang palapag? Mabuti na lang talaga hindi ka nakita ni Sir Connor, at baka napagalitan kana naman no'n.

Sandali.

Wala siyang alam?

Hindi niya nakita?

Gusto ko man mag tanong sakaniya, subalit minarapat ko na lang na hindi mag salita.

Mas mabuti na wala na lang siyang alam.
Mas mainam na ito, kaysa malaman niya pa ang totoo.

"W-Wala ho, La." Dugtong niya pa. "Sige po, matutulog na ako Lola. Goodnight po." Humiga na si ako sa kama kong saan siya nahiga at tinalikuran ko na si Lola Pasing. Hindi ko kasi makaya ng konsensiya ko na hindi sabihin sakaniya ang nangyari.

Kahit naka-talikod man ako sakaniya—ramdam ko pa rin ang pag titig niya sa akin.
May kong anong kirot sa dibdib ko dahil ito ang unang beses na hindi ako sakaniya mag sabi ng totoo.

Sorry Lola.

Alam kong mali ako.

Patawarin niyo ako, kong kailangan kong mag lihim sa'yo.

Hindi na namalayan ni Lala ang pag buhos nang luha sa kanyang mga mata.

CONNOR'S POV

Hunk Series 2: Connor Hughes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon