Chapter 5

282 13 4
                                    


Chapter 5

LALAINE'S POV

"M-Mam Jessica," nag vow pa ako sa harapan nito tanda lamang ng pag galang at respito dito. Nanatili lamang naka-tayo si Lala sa harapan ng babae, nag hihintay kong may sasabihin at may ipag-uutos pa ba ito sa akin.

Hindi ko lubusang akalain na makaka-salubong ko ito ngayon.

Maganda ang babae, balingkinitan ang katawan at  may katangkaran din ito kumpara sa akin. Hanggang balikat ang chocolate nitong buhok at balingkinitan ang katawan.

Kasing puti ng nyebe ang kulay ng kutis nito at porcelana na babasagin na hindi man lang nadapuan ng lamok. Hindi nakaka-sawa na pag-masdan ang mukha nitong mukhang anghel at sobrang Amo.

Ang maamo nitong mukha, na sa isang iglap naging matalim ang titig nito.
Naging mataray at nakaka-takot ang expression; ibang-iba kumpara kanina.

Hinakbang ni Mam Jessica ang paa nito at umikot pa sa akin; hindi naalis ang pang huhusga at kilatisin ang itsura ko.

Tanging uniforme ang aking suot at naka-tali naman ang buhok ko para maging kaaya-aya ang aking itsura.

Bawat yabag ng paa nitong nangilatis sa akin, iyon naman ang pag-bigat ng aking dibdib.

Huminto ang yabag ng paa sa harapan ko at ang kilay nito naka-taas na. "Bago ka ba dito? Ngayon pa lang kita nakita," maarti nitong pag-kakasabi.

"O-Opo, bago lang po ako dito Mam, Jessica." Sobrang lakas na ang pintig ng aking puso; at hindi ako naka-ligtas sa mata nitong kay lamig.

"What's your name?"

"Lala po. I mean, Lalaine po Mam," ngumisi lamang ito at hinakbang ang paa palapit sa akin. Huminto ito sa gilid ko at sabay bulong ng ganito.

"I hate you!" Nanigas ang buong kalamnan ko sa katagang binitawan nito. Naguguluhan pa din sa sinabi nito kong bakit ayaw niya sa akin?
May nagawa ba akong mali?

Humawak si Jessica sa balikat ko at diniin ang matutulis nitong kuko sa balat ko. Tiniis ko na lang ang sakit na pag kakagawa nito na alam kong mag-iiwan ng marka sa balat ko pag katapos. "Alam mo ba Lala, kong paano tumagal sa serbisyo? Ayusin mo ang trabaho mo at ayaw ko na isang katulad mong mababang katulong ang haharang sa akin!" Diniin pa lalo nito ang kuko sa balat ko; na bumaba ang kaliwa kong balikat sa lakas ng pwersa na pag kakabaon ng kuko sa aking balat.

Kirot at sakit ang gumuhit sa mata ko samantala naman ito naka-ngisi at ang mata'y puno ng galit. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Layuan mo ang fiance ko, kong ayaw mong gawin kong bangungot ang buhay mo!"

"Yes p-po Mam." Hirap kong sagot.

Ngumisi itong nakaka-loko at bago ito umalis; binunggo pa nito ang balikat ko at taas-noong nag lakad palayo.

Maluha-luha ang mata kong sinundan ng tingin si Mam Jessica palayo. Hindi pa din naalis ang takot sa aking puso sa ginawa sa akin.

Ano bang ginawa ko?

*****

Kanina pa hinahalungkat ni Lala ang loob ng bag para hanapin lamang ang nawawalang kwentas. Naroon na sa ibabaw ng kama naka-lagay ang iba pa niyang mga gamit, subalit wala roon ang hinahanap niya.

Malalim na ang gabi, at tulog na ang mga kasamahan ni Lala sa maids quarter, subalit gising pa din ang diwa niyang hinahalungkat ang kasulok-sulokan ng mga gamit para hanapin lamang ang kwentas na huling binigay sakanya ng kanyang Inay. Hindi pa rin siya tumitigil hangga't hindi iyon nakikita.

Hunk Series 2: Connor Hughes [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt