Chapter 2

365 17 1
                                    

Chapter 2

LALA'S POV

"Tangina talaga!" Matinis na mura nito at ang mata nito'y umaapoy na sa galit.
Sobrang bilis ang pintig ng aking puso sa takot na makita ang mata nito'y nanlilisik na.

"Sir Connor." Lumapit ang tauhan ni Connor at may binulong sa Amo—kaagad naman umiba ang timpla ng mukha nito na marinig kong ano man ang sinabi nito.

Bumaling ng tingin si Connor sa huling pag-kakataon sa akin, at dumaplis ang malamig na pawis sa aking noo at leeg sa takot na posible nitong gawin. Iyon na ata ang pinaka-mahabang sandali, sa tanang buhay ko.

Wala akong nakuhang sagot kay Connor at inis na binitawan nito ang uniforme ko na kulang na lang tumalsik ako lakas nang impact.

"Ihanda mo na ang sasakyan!" Matigas na utos nito sa tauhan.

Kahit ihakbang at igalaw ang katawan ko, hindi ko magawa dahil nandiyan pa ito. Buti na lang talaga dumating ang tauhan nito at nailigtas ako sa binggit ng kamatayan.

"Yes Sir!" Nag vow ang tauhan ni Connor at nag mamadali na nga itong umalis.

Mangiyak-ngiyak na ang mata ko at, hindi ko pa rin kayang titigan ng diretso si Connor sa mata. Sobra talagang nakaka-takot ang mata at paraan ng titig nito sa akin.
Titig na kayang panginigin ang kalamnan ko.

Dumaan sa ko si Connor—hindi pa rin inaalis ang nag babantang titig nito. Bago pa ito lumampas sa akin, nag paiwan pa ito nang salita.
"Babalikan kita, mamaya!" Hindi man lang ako nilingon bagkus taas-noo itong nag lakad paalis.

Sunod ko na lang narinig ang yabag ng mga paa nito:

Tuluyan ng nangatog at nanghina ang tuhod ko napa-hawak sa pader para kumuha nang suporta na hindi matumba.

Ano?

Babalikan niya ako mamaya?

Diyos ko.

Tulungan niyo ako.

STILL LALAINE'S POV

Hanggang sa ginagawa ni Lala ang mga naka-assign na mga gawain, lumilipad pa rin ang kaniyang isipan. Iniisip kong ano na ba ang mangyayari sa akin mamaya, matapos na matapunan ng inumin ang damit ni Connor.

Jusko, paano na nito?

Ano na lang gagawin ko?

Paano na lang kong pag bayarin niya ako?

Paano na lang kong parusahan niya ako sa pag kakamali na ginawa kong pag tapon ng inumin sa damit niya?

Pinilig ko na lang ang ulo para iwaksi kong ano man ang tumatakbo sa isipan. Kailangan ko maging handa mamaya.

Aaminin kong may kasalanan sarili, rin naman ako dahil hindi naging mainggat sa kilos ko kanina.
Kahit sabihin ko sa sarili ko na ayos lamang ang lahat.

Pero hindi eh.

"Lala." May humawak na malamig na kamay sa balikat ko, na kamuntik na akong mapa-sigaw. Dumaplis ang pawis sa noo ko na lingunin ito, at nakita ko si Claring, medyo nabigla din ito sa naging reaksyon ko. "Okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansin na aligaga at hindi mapakali diyan." Tumabi sakaniya si Claring kasama naman ang matagal ng katulong na si Flora.

"C-Claring," nanuyo na ang laway sa lalamunan kong tinawag ang pangalan nito. "N-Natatakot ako.. Sabi ni Sir Connor sa akin kanina, babalikan niya daw ako mamaya. Anong g-gagawin ko?" Naiyak niyang sumbong, naikwento ko rin dito ang nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Sir Connor at pati rin ang mga ito nabigla at natakot sa posibleng mangyari sa akin.

Hunk Series 2: Connor Hughes [COMPLETED]Where stories live. Discover now