Chapter 5

Danger

Natatawa tuloy ako sa itsura niya. Bumalik na sa tabi ko si Amnesia ghost.

"Wala na siya r'yan."

"Ang galing! Ibang klase ka dude! Kaibigan mo ba siya?"

Tiningnan ko ang multo na nasa tabi ko at nahuli kong nakatingin rin siya sakin. Napaisip ako sa tanong niya.

Ano ko ba siya?

Halatang naghihintay din siya kung anong sasabihin ko kaya,

"We're allies." maikling sagot ko.

"Weee? Talaga ba? Anong itsura niya? Nakakatakot ba siya? Sabihin mo, ako si Ivan, ipakilala mo naman ako. Naririnig niya ba ako?" usisa ng isa.

Tiningnan ko ulit siya.

"Hi, Ivan! Sorry, di 'ko alam ang pangalan ko kaya wala akong maipakilala sayo pero sana maging maganda ang samahan nating tatlo." nakangiting sabi niya kay Ivan.

"Oo, naririnig ka niya. Hi daw at dahil nagka amnesia siya bago namatay hindi niya alam kung anong pangalan niya..." Ako na ang nagsabi kay Ivan.

"Ha? Nakakalungkot naman. Ano pang sinabi niya?"

"Wala na. Yun lang."

Sumimangot naman ang multo at hinampas ako "Hindi mo naman sinabi lahat e!" reklamo nito.

Sinabi ko lahat kay Ivan kung anong ugnayan namin ni Amnesia ghost kweninto ko lahat sa kanya na humingi din ito ng tulong sakin.

"Kung ganon ba't hindi nalang tayo magtulungan?" suhestyon ni Ivan.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo pa nga sinasabi kung anong dahilan mo at ba't humihingi ka ng tulong sakin."

"Mamaya na 'yon. We need to make a deal." seryosong sabi nito.

"Anong deal?"

"Simple lang dude, magtulungan lang tayo. Tutulungan natin si Amnesia Ghost na alamin kung sino siya at tutulungan mo rin ako. Ano? Ayos ba?"

"Oo na. Oo na. At nang matapos na 'to."

"Pero bago 'yan, sagutin mo muna yung tanong ko kanina, anong itsura niya?"

May kinuha si Ivan na Sketch Notebook sa loob ng bag niya.

Tinitigan ko si Amnesia Ghost. Gaya kanina ay halatang naghihintay siya kung anong sasabihin ko. Hindi naman ako sinungaling na tao.

"Hindi siya nakakatakot..." pag-umpisa ko. Tumikhim ako at tinitigan siyang maigi.

"She looked pale like, snow... She has a long wavy black hair, a heart shaped lips and pointed nose.. I guess she's... pretty... she's also wearing our school uniform. Sa lahat ng multo na nakita ko, siya lang yung mukhang tao." Nag-iwas na ako ng tingin.

"Siya lang ang kakaiba. Walang galos, sugat, o kahit anong bakas ng dugo wala..."

"Dude, look... ganito ba siya?" Pinakita niya sakin yung drawing niya. May talent pala ang gago sa art, kuhang-kuha niya ang mukha nito.

"Whoa! Ganyan ba yung itsura ko? Ang ganda ko pala!" Masayang sigaw ni Amnesia Ghost nang makita ang drawing. "Ang galing! Wow! Bilis! Sabihin mo sa kanya na ang galing niyang mag drawing."

"Ano? Ayos ba? Nakuha ko ba?" tanong ni Ivan sakin. Sabay-sabay pa silang nagsalita. Hindi ko alam sino uunahin ko.

Puta. Ang hirap nang ganitong sitwasyon, dalawa yung kasama ko pero ako lang yung nakakarinig sa kanila. Taga-lipat lang ako ng mensahe sa pagitan nila.

𝐌𝐘 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐀 𝐆𝐇𝐎𝐒𝐓 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon