Chapter 29

Justice

"I can't reach her!"

Natataranta ako at labis na nag-aalala dahil paano kung may masama siyang ginawa kay Rose? Hindi iyon makakabuti para sa kaniya!

"Paano kung umalis siya sa rooftop tapos naging evil spirit pa siya?! That's the worst!" I blurted out.

"I'll go. You get the evidence first," Lily suggested without any hesitation. Desidido narin siya.

Napakurap ako saka tumango.

"Hindi ito ang tamang oras para mag-isip..." bulong ko sa sarili pagkakuway walang alinlangan na dumiretso na agad kami sa aming patutunguhan. Nakapagdesisyon kami na mas mabuting bilisan naming kumilos nang sa ganun ay matapos na 'to.

Kumatok ako sa pinto. Ilang katok pa ay iniluwa na nito si Sir Cuevas. 

"You--"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil dala ng galit ko ay sinuntok ko siya nang malakas. This time, I was the one who did it first, not him. Napaupo siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko. 

Masakit para sakin na dahil sa kaniya ay nadamay si Amnesia Ghost sa kawalaang hiya niya!

Parang siya na rin ang pumatay rito!

Hindi pa siya nakakabawi ay mabilis ko siyang kwinelyuhan saka binugbog.

Para kay Rhea... 

Sa mga biktima mo.

Para kay Amnesia Ghost...

Kay Sinciah at Uno...

At kay Lily...

Habol ang hininga akong tumayo. Clenching my fist and looking down at him, na halos hindi na maitsura ang mukha.

Sumuka siya ng dugo.

"Kulang pa 'yan..." bulong ko.

"Ano bang nakain mo at bigla ka nalang sumugod dito?! Ano bang ginawa ko sayo, huh?!"

"Marami! Hindi lang sa akin, pati kay Rhea!"

Nanlalaki ang mata niya sa narinig.

"R-rhea...?" Para siyang nakakita ng multo nang marinig ang pangalan na 'yon. Gulat na gulat at takot na takot siya.

"Ang lakas rin ng loob mong pagbintangan ako tungkol sa pagkamatay ni Sinciah eh, no? Gayung ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay ni Uno! Pati na rin si Rhea!"

Napalunok siya. Bakas ang takot sa bugbog na mukha.

Nanggagalaiti akong tumitig sa kaniya.

"Hanggang ngayon nagtataka parin ako, bakit ang linis-linis ng record mo sa school gayung ang dami mo nang kawalanghiyang ginagawa sa loob ng school at ikaw pa mismo ang dahilan kung bakit nahulog si Rhea sa building noon? Suicide?" I sneered at him. "O pinatay? Bakit kaya?"

Humakbang ako at tinapakan ang hita niya. Napasigaw siya sa sakit. Mas diniinan ko pa.

"Huh? Bakit kaya?!"

"Aray! Tama na!!!" sigaw niya.

"Bakit?!"

"H-hindi ko alam! Urgh!"

Sinipa ko siya sa tyan.

"Hindi ko alam! Nagsasabi ako ng totoo!"

"Pwes sasabihin ko sa'yo, si Rose ang dahilan kung bakit siya namatay. Your Rose killed her!"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"She was pregnant right? With your child?'

"P-paano mo nalaman..." Hindi makapaniwalang ani niya.

𝐌𝐘 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐀 𝐆𝐇𝐎𝐒𝐓 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon