3

77 7 0
                                    

Chapter 3

Idea

"Anong sabi mo?!" sumbat ko sa kaniya. Ibang klase...  

"Eh kasi... Wala talaga akong maalala, nagising nalang ako rito sa rooftop na parang bagong silang na sanggol. Hindi ko alam kung sino ako, anong pangalan ko, at kung saan ako nakatira.. Wala talaga akong maalala." nanlumo siya pagkatapos niyang mag-paliwanag.

Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko. Naiinis na ako. May ganito ba talagang multo? Pano ko siya tutulungan neto, gayung wala naman kaming ideya kung sino siya at kung anong dahilan nang pagkamatay niya? Saan ako magsisimula?

"Wait, wait. Don't tell me, if may amnesia girl, may amnesia ghost din, ganun?" Kumunot lalo yung noo ko.

"S-siguro..."

"Siguro?!" bulalas ko.

"Baka.. Oo.. Ewan.."

I massage my temple. "Yung totoo?"

"Yun na nga sabi eh. Nagulat na lang ako na kahit anong gawin kong paglapit sa ibang tao hindi nila ako nakikita.." malungkot itong yumuko.

"Impossibleng wala kang maalala. Hoy, babaeng multo. Niloloko mo ba ako? Akala mo nakikipag-biruan ako sa'yo?" pakikipag-bangayan ko sa kaniya.

Paulit-ulit siyang umling. Humalukipkip ako at tinitigan siyang maigi. Inaalam kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo.

"I swear to God. Mamatay man ako." Nag sign of the cross siya.

"Multo ka na ngayon."

"Um.. Mabuhay man ako?"

Mahihirapan talaga ako neto.

"Uy teka lang! Eto naman eh, masyado kang pessimistic! Dapat positive lang tayo!" sabi niya.

Hindi ko siya pinakinggan at naglakad nalang palabas sa rooftop. Nakasunod lang siya sakin. May ibang studyante na akong nakikita sa paligid at nakakasalubong sa daan. Kaya kinuha ko ang earphones at sinuot ito. Nagkunwari akong may kausap sa kabilang linya.

"So tell me about what happened," I said without looking at her beside me.

"Yun na nga! Hindi ko sila mahawakan at ganun din sila sakin.. Kinakausap ko sila pero parang wala silang narinig. Deadma lang. One time nga naghubad pa ako sa harap ng-"

Napahinto ako at agad siyang binalingan ng tingin.

"Oh? Bakit ang sama nang titig mo sakin?" nagtatakang tanong niya.

I just shook my head and continued walking. Pumasok ako sa classroom at sinarado ang pinto. Kaso multo nga siya kaya tumagos lang siya rito. Nakita kong kaunti palang ang nandito kaya sumandal nalang ako sa tabi ng bintana. Kunwareng nagpapahangin.

"Akala ko prank lang nila pero totoo pala talagang hindi nila ako nakikita! And then boom! I'm trap in this University for over 5 years, haha! Akalain mo yun? Umabot ng 5 years!" pagpapatuloy niya.

Tumabi siya sakin. Ngumingiti siya pero alam kong pinipilit niya lang dahil malungkot ang mga mata nito.

Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Nandito siya sa University, sa rooftop mismo. Mag isa, walang kasama. Tapos limang taon pa.

"Kaya naisip ko tuloy minsan na, tumalon nalang sa building baka sakaling matapos na. Pero hindi eh. Haha! 'La epek! Lumulutang lang ako sa ere. Ilang beses ko nang sinubukan kaso wala paring nangyayari.. Tapos yun, dumating ka.." tumingin siya sakin bigla.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Salamat, dahil dumating ka..." dagdag nito. Sandali siyang natahimik kaya tiningnan ko siya. Nagkatitigan kami saglit habang walang nagsasalita sa aming dalawa.

𝐌𝐘 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐀 𝐆𝐇𝐎𝐒𝐓 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ