Chapter 9

So close

Nagulat naman ang multo sa sinabi ng binata sa kanya. May naramdaman siyang kakaiba, na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.

"A-anong pinagsasabi mo? Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya ulit rito. Nagugulohan siya sa inaasal ni Vin. Hindi niya alam kong anong isasagot sa sinabi nito. Nagulat siya.

Ang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Konting-konti nalang ay maaari nang maglapit ang kanilang mga labi.

Natigil lang ito nang biglang dumating ang kaibigan ng binata.

"Dudeeeee! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap anong ginagawa mo rito?" tanong nito.

Hindi ko tuloy maiwasang mainis dahil sa gagong nakigulo samin.

"Ah... May problema ba? Parang galit ka ata ah." tanong pa talaga ng gago.

Pinilit kong ngumiti.

"Hindi naman. Ano ba yon?"

"May clue na tayo kung anong year nag-aral si Amnesia Ghost dito, ang tanong nalang ay-"

"Kung sinong pumatay sa kanya."

Napatingin kami pareho sa nagsalita. Si Lily, nasa likod niya.

"Inunahan na naman ako, tch!" bulong ni Ivan sa gilid.

"Nalaman niyo na? K-kung sino ako?" umaasang tanong ni Amnesia Ghost kaya napatingin ako sa kanya.

Muntik ko nang makalimutan. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya.

"Ba't hindi mo sinabi sakin kanina?" nakakunot ang noo'y tanong nito sakin.

"Ano kasi..." Nawala sa isip ko. "Hindi pa rin namin alam kung sino ka talaga. Pero may clue na kami na rito ka nag-aral noon." sabi ko nalang.

"Nand'yan ba siya? Asan siya? Dali! Sabihin mo sa kanya yung nalaman natin!" tuwang-tuwa sabi ni Ivan.

"Pasensya na, hindi ko agad nasabi sayo kanina, nalaman-"

"Pano niyo nalaman? Anong nakita niyo? Ano yung totoong pangalan ko?" Putol agad niya sa sasabihin ko.

Hawak ni Ivan ang yearbook kaya kinuha ko ito sa kaniya para ipakita kay Amnesia Ghost. Agad siyang tumabi sakin. Tinuro ko yung group picture kung saan nandun siya.

"Dude? Bakit?" lalapit na sana si Ivan sa amin pero hinawakan siya ni Lily sa braso at pinigilan.

Akala ko umuulan dahil may pumatak na tubig sa libro, pero nung tiningnan ko, luha lang pala niya. Umiiyak siya habang nakangiti.

"Ako ba to... kung ganun, studyante pala ako rito... gaya niyo..." mapait na ngiti ang nasa labi niya habang may luha sa magkabilang pisngi.

"Pasensya ka na, ito lang ang nakita namin. The other pages was burned." I turned the pages to make her see it.

Pinahid ko ang luha niya, dahilan nang paglingon niya saakin. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Nagulat ako nang bigla niya akong dinambahan ng isang mahigpit na yakap.

"Salamat! Maraming salamat!"

Ang saya niya nga talaga, para sa isang multo na hindi alam kung sino siya na kahit larawan lang ay hindi na niya mapigilang matuwa.

Dahil dito, mas gusto kong tulungan siya at isantabi muna ang sarili ko. Tutuparin ko ang pangako ko sa kaniya. Ano man ang mangyari. I will make her rest in peace. Nakapagdesisyon na ako.

"Ah... ang totoo n'yan may tumulong samin... Sa kanya ka dapat magpasalamat..." sabi ko. Kaya agad siyang kumalas sakin.

Ako lang ang nakakakita sa kanya at nakakarinig. Tinuro ko si Lily na naka crossed arm sa tabi ni Ivan.

𝐌𝐘 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐒 𝐀 𝐆𝐇𝐎𝐒𝐓 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon