Chapter 2

1.7K 37 2
                                    

Chapter 2

[Max's POV]

"Ikaw muna ang mangunguna sa try outs, kailangan kong tumungo sa Korea dahil may aasikasuhin akong importanteng bagay. Ikaw ang ia-assign ko na pumili ng pinaka mahuhusay na mag tra-try out. Okay?"

"Opo Coach Jung." - mahinahong sagot ko.

"Inaasahan ko na pag balik ko dito sa Pinas ay handa na ang mga bagong soccer players para sa ating training. Arraso?"

"Opo."

"Okay, you can now start the try outs. "

"Yes coach. Kamsamida."

Matagal tagal pala mawawala si Coach. Mahihirapan ako neto pero syempre hindi ko dapat ipahalata sa mga members ko na nangangamba ako.

———

Pinapila ko na lahat ng member ng Soccer team at mga mag tra-try out dito sa may field ng school,kailangan na namang pumili ng mga bagong miyembro dahil grumaduate na ang mga dating soccer players namin.

"Sa lahat ng mga magtra-try out, gusto ko lang ipaalala sa inyo na kung lalampa lampa kayo! Wag nalang kayong sumali."-pag papaalala ko habang naglalakad ako sa harap nila.

"Ako ang magtitingin at mamimili ng mga magtra-try out na isasali sa team at lalaban sa District's game. Ipakita niyo ang best niyo sakin at wag kayong lalamya at babakla bakla dito sa harap ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes leader."-Sabay sabay nilang sabi.

"Oh sige! Simulan na natin ang try outs."-Sigaw ko.

Tumalikod na ko at pinulot ang soccer ball ng biglang may sumigaw.

"Who do you think you are to say those words to them?"-May sumigaw.

Napalingon ako ng dahan dahan at sumama ang tingin ko. Tumayo ako at humarap sakanila.

"Sino yun?!"-Sigaw ko.

Lahat sila'y natakot sa pag sigaw ko pati na rin ang mga estudyanteng hindi kasali sa try outs na nanunuod lang sa may fields.

"Sino yun?! Sabi."-Sigaw ko muli.

Pumagilid lahat ng nagtra-try outs at may lumapit saakin ang isang matangkad na lalaki, nilapit niya ang mukha niya saakin na para bang nang hahamon.

Abay! Papatulan ko to. Well, if it isn't the exchange student si Park Chanyeol pala 'to.

Tinitigan ko siya ng masama at ganon rin ang ginawa niya saakin.

Napaka-lakas ng loob nitong exchange student na'to na sigawan ako ng ganon. Baka hindi pa niya ko kilala!

"Ako."-sabi niya sa harap ko, nagtitilian at nagsisigawan ang mga babae sa paligid at tila naka-ihi na ata sa sobrang kilig nila dito kay Koreano.

Tumingin ako sa mga babaeng nagtitilian at tinitigan sila ng masama huminto naman ang mga ito. Ngumiti nalang ako ng mapang-asar kay Koreano.

"Mr. Park! Ano namang ginagawa mo dito sa linya ng mga magtra-try out?"-tanong ko ng mejo may pang -asar. "Don't tell me you're here for the try out too?"

"What if I am?"

"Well, for your information Mr. Park, ako ang leader ng Soccer team sa school."

"Oo alam ko."-pagmamayabang niya."But I'm not here for the try out, I'm joining this team without doing this try-out whether you like it or not."

Love Game ( EXO - Chanyeol x Orange Caramel - Nana AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon