Chapter 4

1.1K 27 1
                                    

Chapter 4

[Max's POV]

"Ngayon mag-sisimula ang 2nd day of try outs niyo."-sigaw ko."Kaya't ihanda niyo na sarili niyo at ipakita niyo ang impressive skills niyo saakin. Makakalaro niyo ngayon ang Soccer players mula sa aming team."

Tumalikod ako at sumenyas na sa mga ka-team ko na pumaosok sa fields at sunod sunod silang tumakbo palapit sa fields mula sa soccer room.

"Ok! Let the games begin."-sigaw ko.

Nagsimula na maglaro ang mga ka-team ko at ang mga nagtra-try out habang ako palibot libot lang sa fields pinapanood ang game at pinagmamasdan kung sino sa mga nagtra-try outs ang ipapasok ko sa soccer team.

Sa kalagitnaan ng panood ko may sumigaw na babae."Max Oppa, ang cute cute mo,please be mine, saranghaeyooooo." -sigaw ng isang estudyanteng mukang baliw na baliw sakain.

Tumingin ako kung saan nanggaling yung sigaw ngunit madaming tao sa paligid at hindi ko nalang pinansin.

Sanay na ko jan sa 3 taon ko dito sa Pinas at dito sa paaralan na to. Araw araw lang may sumisigaw ng ganyan saakin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero I'm quite famous in our school and outside the school campus. Madami lang ganyan saakin pero hindi ko sila pinapatulan dahil kay Sooyoung lang ako.

As if magiging kami naman

Pero kahit ganon, close naman ako kay Sooyoung. Alam na rin siguro niya na may nararamdaman ako sakanya yun nga lang ayaw niyang ipahalata kasi ayaw rin niya sigurong maging awkward kami.

Ok back to the game! Kasalukuyan pa ring naglalaro ang mga players at kapansinpansin naman na magaling na soccer player talaga si koreano,at naka-ilang goals na rin siya.

Mahusay! Hindi naman na nakakapagtaka MVP nga daw.

Pero sorry siya... ako ang leader at pwede ko siyang kunin sa team o hindi sa ayaw atsa gusto niya. *Evil smile*

Aba! Eh siya na rin nagsabi diba .

Patuloy na nagpapakitang gilas ni koreano at tila napuno ng tili itong paligid dahil sa mga babaeng patay na patay saakin... at kay Sky... pero mostly talaga saakin.

Sige na nga! Tumitili sila dahil kay Sky. Oh ayan na.

Napatingin ako sa kabilang dulo ng field at nakita ko si Sooyoung na tuwang tuwang at palakpak ng palakpak. Aba?! Ngayon ko lang nakita ito nanuod ng soccer game ah?  Siguro dahil alam niyang ako na leader kaya naunuod na siya. *smirks*

Ang ganda talaga niya,lalo na at ngumingiti siya. Nakaka-inlove lalo kaso hindi ko alam kung sino nginingitian niyan.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang kumaway at ngumiti, napakaway na lang ako sa sobrang tuwa ko at ngumiti sakanya.

Kaso... hindi pala ako yung kinakawayan niya.

Dali dali kong ibinaba yung kamay ko at ikinamot ko nalang yung kamay ko sa ulo ko para walang makahalata, pasimple moves kumbaga.

Mabuti nalang at walang nakapansin. Si Sky pala kinawayan niya na kasalukuyang nasa gitna ng fields. Kumaway din si Sky kay Sooyoung at tumuloy na muli sa laro niya.

Nakita kong tuwang tuwa si Sooyoung nung kawayan siya ni Sky at tila siya nalang ang tinitignan niya.

Walangyah! Mang-aagaw kay Sky! Lalong kumulo ang dugo ko dito kay Koreano. Feeling close kay Sooyoung.

Love Game ( EXO - Chanyeol x Orange Caramel - Nana AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon