Chapter 5

1.1K 29 1
                                    

Chapter 5

[Max's POV]
Andito kami ngayon sa school cafeteria at sabay sabay kaming nag-breaktime ng mga kaibigan ko at umupo sa isang malawak na lamesa na may pitong upuan.

"Hoy,alam niyo na ba yung balita?"-bigla nalang inilapit ni Baekhyun yung mukha niya saamin at bumulonghabang kumakain kami at dali dali namang nilapit ng mga loko ang mukha nila kay Baekhyun pwera saakin. Mga chismosong 'toh!

"Ano? Anong balita?"-natatarantang tanong naman nitong chismosang Chen na to.Tumingin muna si Baekhyun sa paligid kung mayron ba makakarinig saka bumulong sakanila.

Tumuloy nalang ako sa pagkain ko at kinuha ang pineapple juice ko saka ko ininum.Wala lang akong interes sa mga chika ng Baekhyun na yan!hindi totoo lagi mga sinsabi niyan kung hindi man totoo minsan walang kwenta.

"May nanliligaw daw kay Sooyoung!"-derederetsong kwento ni Baekhyun.

Nagulat ako sa sinabi ni Baekhyun at naibuga ko sa pagmumukha niya yung iniinom kong Pineapple juice."Ano Baekhyun?!"-Galit kong tanong kay Baekhyun na kasalukuyang pinupunasan ang mukha niya ng panyo niya.

"Max naman eh,basa na ko! "-reklamo nito.

"Yung sinasabi mo! Totoo ba yun? "-Gulat na gulat kong tanong sakanya.

"Oo nga! Nabalitaan ko dun malapit sa mga kaibigan niyang nag-uusap dun."-paliwanag ni Baekhyun.

"Shiz! Kalalaki mong tao,napaka-chismosa."-sabi ni Tao sabay irap kay Baekhyun. Nag-irapan nalang ang dalwang loka!

"Eh sino naman garod yung nanliligaw sakanya?"-mahinahon na tanong ni Lay.

"Baka naman nabingi ka lang Baekhyun at mali pagkarinig mo."-dagdag naman ni Kai.Oo nga pala,maski mga kaibigan ko alam nilang may gusto ako kay Sooyoung.

"Hindi nga. Tama yung narinig ko,at ang pangalan eh....."-Nag isip ng matagal si Baekhyun..

"Ano ba yan? Sino ba? Napaka-ulyanin mo naman ,mas makakalimutin ka pa kay Lay."-sigaw nitong Chen na to na kating kati nang malaman ang chika

"Sandali lang tinatandaan ko..."-reklamo ni Baekhyun saka napakamot ng ulo."Ayun naalala ko na.....si Kyuhyun hyung."-sabi nito.

*Gulp*

Kyuhyun hyung? ⊙﹏⊙

Nanlaki ang mata ng lahat sa narinig nila."as in Cho Kyuhyun?"-Tanong ni Luhan.

"Oo naman,sino pa nga bang Kyuhyun ang kilala dito."-sabat naman ni Chen.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Si Kyuhyun hyung ay leader ng Basketball team sa school at mas matanda ng isang taon sa amin,parehas kaming famous dito sa school,close kami ni hyung dati dahil parehas kaming players kaso nagkaroon ng hindi inaasanhang hindi pagkakaintindihan namin nung grade 8 ako,pagkatapos nun hindi na kami nagpansinan or nag-usap pa nun. Hindi naman sa galit pa kami sa isa't isa,siguro hindi nalang namin siguro kaya pang kausapin ang isa't isa para tuluyang makalimot sa away namin,it's kinda like "We went into our own separate ways".

Napa-iling iling naman si Kai at napangisi ito. "Tingin ko hindi naman magpapaligaw si Sooyoung dun."

Tiningnan naming lahat si Kai. "Bakit naman hindi? "-Pagtataka ni Lay "Sikat din si Kyuhyun Hyung pagdating sa mga babae."

"Eh kasi nalaman ko kay Sunny na ang gusto ni Sooyoung eh si Sky."-pagpapaliwanag ni Kai.

Kay Sunny? Abay kailan pa sila naging close? Yung totoo?

Love Game ( EXO - Chanyeol x Orange Caramel - Nana AU)Where stories live. Discover now