Chapter 3

1.3K 31 2
                                    

Chapter 3

[Max's POV]

Pauwi na ko ngayon galing school, katatapos lang kasi nung try outs at ngayon lang kami nakapag-start kasi kahapon nagka-problema nga diba?

Pero ayoko nang balikan yun basta bahala na rin yung koreanong yun kung sasali pa ba siya sa soccer team basta ako hindi ko siya papatulan kahit gaano pa siya kayabang.

Habang naglalakad ako sa hallway ng school palabas ay tila naramdaman ko na parang may sumusunod saakin.

Bakit ganon? Eh wala naman ng tao dito sa hallway na 'to kundi ako kanina ah.

Binilisan ko yung lakad ko at naramdamam ko rin na bumilis ang lakad nung nasa likod ko. Ayaw ko siyang tingnan, natatakot ako.

Habang tumatagal ay nakakahabol na din siya sakin kaya tumakbo na ko.

Halla sino ba to? At talagang sinusundan nga ako nito kasi hinahabol na niya ko ngayon palabas ng school.

Ayan na! Malapit na ko sa gate konting takbo nalang.

Nung malapit na ko sa gate ang makaklabas na ko biglang may humila sa kamay ko at tinakpan agad ang bibig ko.

"Hnmm! Hmm!"-sigaw ko kaso walang maintindihan kasi nga tinakpan niya bibig ko.

Hindi ko pa rin makita kung sino kasi nakatalikod ako sakanya.

Pinilit kong makawala pero malakas talaga siya. Yung isang kamay niya nasa bibig ko at yung isa nakahawak sa mga kamay ko.

Halla ! Ayaw kong ma-kidnap! Hindi pa nagiging kami ng crush kong si Sooyoung, paano ko na siya makikita ulit? Ano ba yan?

Hinila ako nito ngayon at dinala sa janitor's room na sobrang dilim dahil patay ang ilaw at sobrang sikip sa dami ng gamit dito.

Pagkapasok dito ni-lock niya ang pinto at binitawan ako at itinulak ako sa pader.

"Aray! " sigaw ko.

Ramdam ko yung sakit nung paghampas ng likod ko sa pader pagkatapos 'nung sinindi niya ang ilaw at nakita ko ang mukha niya.

"Loko ka! Ano bang kalokohan na naman toh?" sigaw ko sakanya at binatukan ko siya. " Muntik mo na ko mapatay sa nerbyos."

"Pasensya na Max, namiss lang kita." sinuntok ko siya ng mahina sa braso at binuksan ang pinto.

"Bahala ka nga jan ka na!"

"Max naman, biro lang yon hindi kana nasanay sakin eh."-Nasanay na ko jan! Eh bata palang kami ganyan na yan.

Oo nga pala, yung lokong nanakot sakin eh si Taeyong Lee.

Mas matanda siya ng 2 taon saakin pero hindi ko siya tinatawag na hyung dahil close na close na kami niyan.

Graduate din siya dito sa school na to at former soccer player, MVP player at leader ng group nasa college na siya ngayon kaya hindi ko na siya gaano nakakasama.

Nakilala ko siya nung Grade 7 palang ako at lalo kaming naging close nung nakapasok na ako sa Soccer team.

"Pumunta ako dito dahil susunduin kita."-sabi ni Taeyong saakin habang naglalakad kami palabas ng school.

"Ha? Bakit? " tanong ko naman ng may pagtataka.

"Eh kasi bihira na tayong magkasama kasi nga nasa college na ko para naman makasama kita, kaya nga pinuntahan nalang kita dito sa school niyo para masundo kita."

Love Game ( EXO - Chanyeol x Orange Caramel - Nana AU)Where stories live. Discover now