Chapter 8

872 25 1
                                    

Chapter 8

[Sooyoung's POV]

"Sooyoung,hindi ba gustong manligaw sayo ni Kyuhyun Oppa?"-biglang tanong ni Sunny habang nag-babasa kami ng libro dito sa may round table sa school fields.

"A-ah Oo,b-bakit mo na tanong?"-nauutal kong sagot.

"Wala lang,hindi mo pa ba siya pinapayagang manligaw sayo? I mean famous din si Kyuhyun Oppa at madaming nagkakagusto dun,ang swerte mo nga at sa dinami dami ng babae dito sa campus ikaw pa ang nagustuhan niya."

Napabuntong hininga nalang ako saka ko isinara yung libro ko at napa-isip.Alam ko namang dream guy ng mga babae si Kyuhyun oppa,mabait siya,famous siya,gwapo at malakas ang charisma sa babae,yun nga lang hindi siya kasi ang gusto ko eh.

"Hindi kasi siya ang gusto ko e."-mahinahon kong sagot kay Sunny at ngumiti nalang ito ng mapang-asar.

"Eh sino garod? Si Sky ba?"

Napangiti nalang ako saka ko siya siniko ng mahina.

"Tumigil ka na nga."-sagot ko.

Nagtawanan nalang kami ni Sunny at nagtuloy sa pagababasa.Nagulat ako nang biglamg may nagtakip ng mata ko,kinapa ko nalang ang kamay nito at napangiti parang kilala ko na kung sino 'to.

"Tama na yan Max! Alam kong ikaw yan,ikaw lang naman mahilig mag ganyan saakin."-natatawa kong sabi at unti unting tinanggal ang kamay niya mula sa mata ko.

Humarap ako at nagulat ako ng makita ko ang inaakala kong si Max! O_o

"SKY?!"

"Hi Sooyoung."-bati agad nito saka niya ko nginitian.

"H-hello S-sky."-nauutal kong sagot.

Grabe! Nakakatulala yung ka-gwapuhan niya,ngayon ko lang siya nakita ng up-close madalas kasi sa soccer fields ko lang siya nakikita na naglalaro pero ngayon andito na siya sa harap ko mismo at kinaka-usap ko. (-^〇^-) Hindi ko na tuloy ma-explain ang pakiramdam kong mukhang iniinit na ko.

"Pwede bang dito muna ako sainyo?"-tanong nito habang naka-ngiti.

"ahhh."-yun lang lumabas sa bibig ko ,hindi ko alam kung bakit pero ngayong kaharap ko na siya hindi na ko makapag-salita pero pag andun naman siya sa fields na naglalaro sigaw ako ng sigaw pero ngayon wala man lang ako masabi. >___<

"ang ibig sabihin ni Sooyoung,Oo daw pwede ka daw tumabi saamin,halika na dito umupo ka."-tuwang tuwang sagot ni Sunny na mukhang naging back-up ko dahil na-utal at natulala nalang ako kay Sky.

"Salamat."-sagot nalang ni Sky saka siya tumabi saakin at ngumiti.

Namula nalang ako at hindi makatitig sakanya,mukhang tinititigan lang niya ako. Eto naman si Sunny mukhang namamatay na kilig dito sa tabi namin. Hindi nagtagal eh umalis na din si Sunny at nagkunwari pang may importante daw gagawin pero gusto lang naman talaga niya ko maiwan kasama si Sky lalo tuloy naging awkward.

"Sooyoung."-tawag nito at dumusog pa ito para mas lalo kami magkalapit.

"bakit?"-sagot ko habang nilalaro yung buhok ko pero hindi ko kayang tumitig sakanya.

"May gusto ako ibigay sa'yo?"

"u-uhm ano naman yun?"

Ngumiti lang siya tapos tumalikod at may kinuha sa bag niya,humarap uli ito at mukhang may tinatago sa likod niya.

"I just want to give beautiful red roses to a beautiful girl named Sooyoung."-sabi nito habang naka-ngiti at inabot saakin ang mga roses.

OMG! (^_^)

Love Game ( EXO - Chanyeol x Orange Caramel - Nana AU)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ