Every Moment is Stolen

182 8 0
  • Dédié à Vanessa Ludovice
                                    

Every Moment is Stolen
MOMENT ONE

Independent.
Live on my own.
Live with a passion.
And live with a purpose.

🏡
Absolute's House


Medyo nahihilo pa ako ng gumising ako. Kasalanan ko din kasi dahil naglasing na naman ako kagabi. Yes. Tama kayo, naglasing ako dahil sa isang babae. Nagmahal lang ako. Nagmahal lang ako ng totoo at nasaktan lang din ng sobra sobra. Hindi ko din alam kung bakit ako nagpapakalasing dahil sakanya. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung mahirap ba ako mahalin? Mahirap bang mahalin ang isang Absolute Cuenca.

Umagang umaga nga naririnig ko na ang mga ingay ng mga mokong ah. Dito kasi sila natulog. Dinamayan nila ako sa pagkasawi ko sa pagibig. Mga bata pa lang kami magkakaibigan na kami at hanggang ngayon matatag pa din ang pagkakaibigan namin. Naghilamos na nga muna ako at agad na akong bumaba ng matapos akong maghilamos at nakita ko..

😬😬😬

P*cha. Daig pa na ng madaanan ng bagyo ang bahay ko sa sobrang dumi. Sigh. Kasalanan ko din naman at pinapunta ko sila dito sa bahay. This is why I hate myself for letting them stay in my house. Ugh. 😡

Hindi ko na lang sila pinansin at sinimulan ko ng ligpitin yung mga kinalat nila. (Ang bait ko kasi ee). Medyo may pagkamasinop kasi ako. Naks. Sobrang dumi grabe, parang one month hindi nalinisan ang bahay ko. Nang matapos kong ligpitin ang mga kalat ay may iniwan akong note sa may Refrigerator; syempre yung mga mokong na yun ay alam kong mga patay gutom XD 😂 Iniwanan ko na nga sila  at papunta na ako ng Wattpad Academy.

🌞
Wattpad Academy

Medyo inaantok pa ako dahil siguro to sa hangover baka makatulog ako neto sa klase. T_T. Sigurado akong bagsak na naman ako neto sa English namin. Hindi pa naman ako nagreview para sa long quiz namin ngayong araw. Argh.

Bigla ako napatigil dahil parang may naririnig akong nagsisigaw habang tumatagal papalakas nga yung boses, paglingon ko ...

"TUMABI KAAAHHHH!! BILISSSS!! UMALISSS KAAAHH!"

Hindi na ako nakareact pa dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Nakakadiyahe din kasi etong babaeng to. Umagang umaga nagsskate papasok ng school. Argh.

"Pasensya na. Sorry talaga." Hindi pa nga ako nakakatayo sa pagkakatumba ko. Medyo malakas din kasi yung impact ng pagkakabangga niya sakin. Nakamusmos pa nga yung baba ko sa daan kaya mayroong konting gasgas. 💊

Agad naman niyang iniabot yung kanang kamay niya sakin.

"Ayaw mo?"
"Kaya kong tumayo magisa."
"Pasensya ka na huh?Bigla bigla ka kasing sumusulpot eh." 

WOW? So sa sinabi niyang yun ay mukhang ako pa ang may kasalanan sa nangyare. 🙅

"Anyways, Gladys Gonzales pala. Transferee ako dito kaya wala pa akong friend. Ikaw? Baka gusto mo ako maging friend?" Iba din tong babaeng to. Ang kapal ng mukha. Sobra.

"I'm sorry pero hindi ako nakikipagfriend sa kung kani-kanino lang. I choose my friends." papaalis na sana ako ng bigla niyang hinila yung braso ko. WTF.

"Tss. Ikaw naman, I am a good person naman kaya kung ano man yang qualifications para maging kaibigan mo, for sure pasado ako." Nakangiti pa siya habang sinasabi yun. Weird. Dahan dahan kong inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko.

Every Moment is StolenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant