Moment Thirty-Three

24 1 0
                                    

*Every Moment is Stolen*_

_MOMENT THIRTY-THREE_

"Ang sweet naman ni Absolute, super close pala kayong dalawa?" Nagulat ako sa sinabi ni Luke akala ko, magseselos siya sa ginawa ni Absolute. Hindi pala :(

"Ahh' oo naman! Para na kaming magkapatid niyan ee' Teka, nood tayo ng game nina Summit at Seetoo. Wait, asan si Rosil?" Saan kaya pumunta si Rosil? Hindi man lang nagpa-alam di ba?

"Baka nag CR, teka friends mo din ba yung sina Summit ba yun?"- Luke.

"Yup! Bestfriends yun ni Absolute.. Tara na?"

Lumabas na kami ng gymnasium tapos pumunta kami doon sa tennis court, tapos super sweet pa etong si Luke, pinayungan pa ako.. Awww.. Kaso may umepal na naman at yun ay walang iba kundi ang walangjah po na si Absolute.

"Hi sainyo. "

"Tsss.. ikaw na naman?"-sabi ko.

"Aba bakit?" nagpout lang ako.

"Congats pala bro' kanina."-Luke. Nag-ala question mark yung mukha ko. Hala! Maka FC naman si Luke haha :))

"Thanks ah'? Ikaw siguro si Luke? Well ako pala si Absolute."

"Yeah."

"Bakit pinapayungan mo pa yang si Gladys? Maitim naman yan kaya ok lang kahit mabilad sa araw haha :))" bintatukan ko yung mokong, FYI hindi ako maitim no? Mas maputi pa nga ata ako sakanya ang kapal talaga ng mukha kahit kailan..

Nakarating na nga kami sa tennis court at sakto! Si Summit at si Seetoo na ang maglalaro..

"Himala doubles sila ngayong year?" sabay tuloy kaming napatingin ni Luke kay Absolute.

"Last year kasi Single sila pareho tapos champion si Summit at natalo si Seetoo. Tanggap naman yun ni Seetoo kaya ok lang." nagnod nod naman kami pareho..

Infairness ang galing pala ni Summit sa tennis, magaling naman si Seetoo kaso mas magaling talaga si Summit. Si Seetoo kasi parang easy easy lang siya, pero si Summit, seryoso siya parang gusto niya talagang manalo at lumalabas ang pagka-maangas niya.. Cute siya pag seryoso.. pero cute din naman po siya pag nakangiti ee haha :))

"Go Summit at Seetoo!!"-sigaw ni Absolute. Supportive pala sila sa isa't isa. Naiinggit nga ako sa friendship na meron silang anim.

"15 love." yes! Nakascore din sila Seetoo. :) Galing kasi ni Summit, ang cute niya talaga! Alamo kung seryoso lang to'? Naku' siya ata ang naging crush ko sa grupo nila hindi si Kendall..

'Ang cute!"-wala sa sarili kong sabi. Tapos biglang tiningnan ako ng dalawa..

"Ahh hehe :)) Sabi ko ang cute nila. haha! Go Summit and Seetoo!! Go! go! go!"

"Asus! Mas cute naman ako jan sa dalawang yan ee." tapos humalakhak ng mahina si Luke na parang iniinsulto si Absolute..

"Kapal mo din no?? Grabe biglang lumakas yung hangin.."

"Oo nga, kaya tumabi ka !" tapos nagulat ako ng hinigit ako ni Absolute sa side niya. Tapos nasalo naman ni Luke yung bola ng tennis..

"Magiingat kayo Seetoo at Summit."- Absolute.

"Sorry bro! hahaha :))"-Summit. Agad naman na akong bumitaw kay Absolute at nilapitan si Luke.

"Ok ka lang?"-tanong ko.

"Of course, ikaw?Naku thanks bro' sa pagligtas kay Gladys."

"Ok lang."

Natapos na din yung game nanalo sina Summit. 6-0..

Astig din nila sobra! Kala mo, hindi nila seseryosohin ang laro' yun pala ipapanalo pa nila. Ang astig sobra!

"Uh' Pano ba yan Absolute, mauna na muna kami sayo, at wag kang mawawala sa birthday ko sa friday huh?"- Yep' sa friday na po pala birthday ko hehe :)) Invited kayo haha :D

Pumunta kami ni Luke sa mall, actually, nagkakasundo kami niyan parati. Favorite tambayan nga namin ang mall ee.

"Uh'? Gladys, tanong ko lang huh? Super close ba kayo nun ni Absolute?"

"Umm- um. Super close kami nun sobra! Actually, para na kaming magkapatid niyan. Teka lang, bakit siya ata naging topic natin ngayon? haha :)"

"Wala lang, masama bang itopic nain siya. So, kwentuhan mo ko about sainyong dalawa."

Parang tore' naman tong si Luke. Well' as he wished, kinwento ko lahat about kay Absolute. Mas prefer niya pa atang malaman ang tungkol kay Absolute kaysa sakin ee'

Yung totoo? Ako ba talaga ang gusto netong si Luke? O yung pesteng mineral water boy na si Absolute??Andiyahe ahh'??

Every Moment is StolenWhere stories live. Discover now