Moment Nine

24 2 0
                                    

Every Moment is Stolen
MOMENT NINE

🎂🎁🎊🎉

#HBDSirWatterTopher:))

Tuesday.
Birthday na ni sir Watter! 🎉

Napaaga ata ang pagdating namin ng school. Pero sobrang dami na nga ng tao, hindi naman halata ang lahat na excited sila. We are wearing the most comfortable outfit today. Ako? Wala simpleng naka white shirt lang ako, ripped jeans tapos snekaers lang pero yung iba nakapolo at dress. Anong magagawa ko e, eto yung most comfortable dress ko. 😂 Si Summit? Ugh. Nevermind. Hell yeah sobrang kaba ko na ngayon. Mamaya na kasi yung play namin. 😱

Malayo layo palang sa kinatatayuan ko nakita ko na yung dalawang mokong- si Seetoo at Jacob. Mukhang pinagtatawanan ako. Tapos biglang may taong tinakpan ang mga mata ko. Kinapa kapa ko yung kamay, parang babae. Hayss. Sino pa naman ba ito, edi si Gladys.

"Gladys"

"Hula mo agad? Hayss. Andaya mo naman ee. 😑By the way, kinakabahan na ako para mamaya. Argh. First time ko tong gawin sa buong buhay ko." Halata ngang kinakabahan siya ee. Syempre hindi naman ako nagpahalatang kinakabahan ako.

"Hindi naman masyado.  Sakto lang."
"Siya nga pala, may nagiwan neto sa car ko. Kanina ko lang napansin." Ipinakita niya nga sakin yung picture.  "Keds shoes. Yung latest model to ee. "

"Kanino ba yan galing? Sobrang galante naman ng nagbigay niyan."
"Mr. Stolen" tapos bigla siyang lumapit sakin yung animoy mag nonose to nose na kami sa sobrang lapit. "Hindi kaya, ikaw at si Mr. Stolen ay iisa?"

Ano namang nasa isip netong babaeng to? At ako talaga? Tss. Ako at si Mr. Stolen guy? Iisa? Magunaw na ang mundo pero hindi.

Nilapit ko pa ng kaonti yung pagmumukha ko sa pagmumukha niya na medyo napaatras din siya ng konti.

"Sa tingin mo, gagastos ako ng malaking halaga para lang sa isang sapatos? Huh?" Pangiti ngiti ko pa sinabi ang mga yun.

"Uh.. h-hindi." Natawa ako sa pag stammered niya. Inilayo ko na nga yung mukha ko at mukhang na aawkward na siya.

"Hrmm. Kung sino man yang stolen guy na yan, hindi dapat niya ginagawa ang mga ganyan. A real man was never a coward when it comes for love. If you really love the person, be brave enough na magpakilala at aminin ang totoong nararamdaman. Always think that you only have a single chance to prove sa babaeng mahal mo na mahal mo siya. Paano mo maipapakitang mahal mo siya kung dumating yung oras na handa ka na ee, may mahal na siyang iba. "

"Mukhang ang seryoso niyong dalawa uh. Ano pinaguusapan niyo?" Pagtatanong ni Summit.

"Wala naman. Yung kinakabisado lang namin yung eksena para mamaya" Sagot ko.

"Hayss." Tapos sabay akbay samin ni Summit. "Ano ba kayo, kaya natin to. Malalagpasan natin ang play mamaya. " Mamaya pa. Papalapit na yung dalawang mokong.

"Hi guys! Anong pinagkakaabalahan niyo jan?" Jacob.
"Ano ba naman kayo, eto yung panahon na dapat mageenjoy. Jusko araw araw na nga tayong subsob yan pa din nasa isip niyo. Mageenjoy tayo ngayon! Party!" Hindi ko akalaing sasabihin yung ni Seetoo. Sobrang seryoso kaya niyan. Ano kayang nakain niya? Tss.

"Oo nga. Besides mahaba pa ang oras natin. T-teka nga lang. Hmm. Kayong dalawa, nagusap ba kayo ng susuotin niyo? Sobrang pareho lang talaga kasi ee. With matching couple watch pa from WATCH." Agad naman kaming tiningnan ni Summit.

"Oo nga nuh. Napagusapan niyo ba yan?"

Nagtinginan kami. Tiningan ko yung damit niya at tiningnan niya din yung suot ko. Anak ng tinapa naman talaga. Parehong pareho kami. Medyo nagkaiba lang kami sa pagkaripped ng jeans niya.

"Uyyyy.. Pusuan na yan. 😂😍" ayan na naman sila sa tukso tukso nila.

"Hoy! Kayong tatlo umayos nga kayo. Nagkataon lang ang lahat. Eto kasi gaya gaya. Ba't kasi yan pa ang sinuot mo. Argh."

"Ano naman ngayon? E, comportable ako sa suot ko ee. Paki mo ba. Bakit ikaw lang ba ang pwedeng magsuot neto? Magkaibigan naman tayo ah."

"Oo nga naman may point naman talaga siya. Baka naman kasi ang gusto niya higit pa sa magkaibigan." Tapos dali dali silang nagtakbo palayo.

"Loko loko talaga yung mga mokong na yun. Hrmm. Tara na! Ano pang tinutunganga mo huh? Bilisan mo na. Babagal neto."

Pumunta na nga kami ng Wattpad Theater. Bale, mamayang hapon pa kami magpiperform at pumunta lang naman kami ng Wattpad Theater para magattendance. Pagkatapos lumabas din naman para magrehearse for the last time and sukatin yung mga damit.

Natapos kaming magpraktis mga 10:30 tapos inayusan kami mga 11:00 am. Habang yung iba nakasalang sa pagmimake up, yung iba kumakain muna. Medyo kabado na ako ngayon. Sobrang tense kumbaga. Sobra.

"Abs. Ikaw na ang next. Okay ka lang. Mukhang tense na tense ka uh?" Malamang. Ako ang bida ee, sino ba naman ang hindi kakabahan na sa isang pagkakamali mo lang masisira lahat. Pasalamat ka at ikaw ang director. Hahaha. Sa sobrang tense ko nga di ko na nasagot si Summit. Sinagot ko na lang siya gamit ang isip ko. Ako na nga ang nakasalang para ayusan.







01:15 pm to be exact. Lahat kami nasa backstage na. Pero hindi ko man lang nakita si Gladys. Nasan na kaya yun?

"Guys, lahat na ba nandito?" Pagtatanong ni Kenneth.
"Uh, si Gladys parang wala pa."
"Andito na kami!" Halos lahat kami napatingin sa likod at napanganga sa hitsura niya. Totoo bang si Gladys ang nakikita ko?

"Grabe ang ganda ganda niya."
"Oo nga. Mukha siyang artista."

"Hey guys. Listen! Tutal wala namang kulang o nawawala, gawin na lang natin ang best namin para sa play na to. Okay? Lets do this! Aja!"

Hindi ko nga magawang kausapin pa si Gladys dahil naghahalo na ang nararamdaman ko ngayon. Di ko alam kung natatae ako na ewan. Sana magustuhan ni Principal. Here we go guys!

3...2..1.
Camera, Action!

🎥
Fallen Friendship

(Introduction song: Always - Descendants of the Sun)

Gladys: (Sam) Hi My name is Samantha Cruz. You can call me Sam.

Si Sam ay isang singer slash dancer. Magaling siya sa lahat ng bagay kaso nobody wants to be her friend. Nobody.

Until one day, there's a newbie named Peter Clark Gil (Absolute) he is arrogant and hard headed.

Every Moment is StolenWhere stories live. Discover now