Chapter 1

14 1 0
                                    


Chapter 1: Turon

Her POV

Maingay na kaklase ang bumungad sakin, pagkatapak ko palang sa aming classroom. As usual, yung iba nag cecellphone lang, yung iba rin ay nag titiktok, at may iba rin na may kachika. In short, may kaniya-kaniyang mundo sila.

Nahagip ng paningin ko ang pagtitig ng isang grupo saking likuran. Okay, ito na naman tayo.

"Diba siya yung highest score sa Philosophy?"

"Oo at alam kong nangdaya yan."

"Ay! nangdaya siya?" Singhap ng mga kasamahan nito.

Mga pambansang marites! Nagbubulongan pero rinig na rinig rin naman. Ako yung nahiya para sa kanila. Pero syempre di tayo papatol no!

Nangdaya yung mukha niya! Di ba pwedeng pinag aralan lang ng mabuti?

Dumiritso ako paupo saking upoan, wala na rin naman akong gagawin do'n kundi ang tumayo at pagmasdan sila. At hayaang patayin ako sa mga panglalait nila.

After 8 minutes dumating yung first subject namin, as usual groupings na naman. Wala rin naman tayong magawa, mas malaki ang ibibigay nilang grades sa performance task.

Tumikhim muna Si Ma'am Cruz bago siya kumuha ng record book niya, "Before we start our activities today, i just want to know kung sino ang present at absent. So let's start with....."

Ayun nagsimula na siyang tawagin kami isa-isa. Nagsimula sa mga boys kaya, maya-maya pa ako matatawag. Medyo malayo rin kasi yung surname ko.

"For the girls..... Jainne Cervantes?"

"Present!"

And so on........

"Aviriell Del Valle?" Tawag ni Ma'am.

Ay ako na pala. Putspang ina ang lutang ko talaga.

"Ma'am." Sagot ko nalang at binalik ang paningin sa bintana. Kunwari isa itong napakagandang tanawin. Oo kunwari lang.

"So we're done, umpisahan niyo ng gumawa sa avtivity natin." May iniinstruct pa si Ma'am pero di ko na sinundan yun. Total may ideya na naman ako.

Nagsimulang tumayo ang aking mga kaklase at pumunta sa kanilang kagrupo. Habang ako? Wala lang, tamang tingin-tingin lang sa bintana.

"Avi! Magkagrupo pala tayo!"

Bored kong tinignan yung taong nagsalita. Kung minamalas ka nga naman. Yung taong sinabihan pa akong nangdaya kuno. Tsk!

Being the naive girl they know, syempre ngumiti ako ng peke. Pero nagmukhang ngiwi iyon dahil, peke rin pala yung taong nasa harapan ko ngayon. Sensya na, peke sa peke e.

"Ah ganon ba? Ang galing!" Napipilitan kong usal, nakita ko pang napa-rolling eyes yung si ano. Ay! Sino nga ito?

Ang unfair rin, alam nila pangalan ko pero hindi ko sila kilala. Ah oo nga pala, plastic sila tao ako. Oo ganon yun.

Linapag niya yung textbook sa arm-chair ko at ngumiwi ulit sakin. Kanina pa 'to ngiwi ng ngiwi. Mga mukha namang ano, oo basta ano.

"Ikaw na bahala ah. Alam kong di na bago sayo 'yan. Ang talino mo kaya! Diba? Diba?" Ani niya at kinalabit rin yung apat pa niyang kaibigan.

Aba! yung sinabihan akong nangdaya nakahithit siguro ng mikmik. Himala!

"Sabi mo madaya siya? Matalino naman pala." Rinig kong usal nong sa kaliwa niya, hula ko ito yung nagtanong kanina kung nangdaya ba daw talaga ako.

His Mysterious StaresWhere stories live. Discover now