Chapter 2

13 2 0
                                    

Chapter 2: Her story to tell

Her POV

Scroll, react, share, post.

Yan lang ang ginagawa ko makalipas ang ilang minuto. Nong nagsawa ay chinarge ko nalang yung phone ko. Napagulong-gulong nalang ako sa kama ko pagkatapos. Ano ba kasi ang magandang gawin ngayon? Makalabas na nga lang.

Lumabas ako sa kwarto at dumiritso sa likuran ng bahay namin. Mas maganda do'n kasi mahangin tas may mini garden si mama. Kaya maaliwalas sa pakiramdam.

Nadaanan ko pa yung tatlo kong kuya na nagmumurahan habang may kinakalikot sa kanilang mga cellphone. Mga may saltik.

"Abyang! Sa'n ka pupunta?"

Napatigil ako sa paghakbang dahil sa narinig. Ang layo ng pangalan ko sa palayaw nila sakin!

Sinamaan ko naman ng tingin yung pangatlo samin. Si kuya Avzel. Avzelot panot! Choss! Baka patayin ako nito pagnarinig niya.

"Abyang kumain ka muna do'n bago ka lumabas." Rinig kong ani nong panganay namin, si kuya Azarill habang focus na focus parin sa kaniyang cellphone.

Kaya wala akong nagawa kundi pumunta sa kusina. Di pa man ako nakakalayo ay may hinabol pa yung pangalawa naming panganay. "Tas pakihugasan na rin yung pinagkainan ko Abyang! Labyo bunso!" Sigaw ni kuya Azumi

Ginagago ba ako nito? Minsan talaga sumpa yung pagiging bunso ko. Gusto ko sanang umangal pero wag na. Baka di ako payagan nito. May plano kasi ako mamaya. Hahaha.

Pagkatapos kong kumain ay yun na nga hinugasan ko yung pinagkainan ko kasama yung pinagkainan ni Kuyang Azumilot baho lubot! Sarap talagang tirisin, di ko lang kaya.

Nakalanghap narin ako sa wakas ng preskong hangin, nakaupo ako ngayon sa duyan na nakasabit sa puno ng mangga. Yung duyan na inuupuan ko ay gulong ng truck.

Madalas lang akong makalabas kahit na dito lang sa bakuran namin. Palagi lang akong nasa loob ng kwarto ko, nag-aaral or nagbabasa ng kung ano-ano. Simula pagkabata ko palang, natatakot na akong lumabas kapag ako lang mag-isa. But that's just one of the reason why.

The main reason is my parents, they don't want me to go outside kung hindi importante. Minsan nakakasakal, mag-e-eighteen na ako two months from now. Pero wala pa talaga akong alam na lugar dito samin. I only know the town where i grow up, but i didn't even have the chance to explore it. Oo sinasama nila ako 'pag may binibili sila sa town pero do'n lang at wala ng iba, tas uuwi rin pagkatapos.

Sometime, i envy them, my three older brothers. Kasi nagagawa nila yung gusto nila. Pero ako? Counted lang. At palagi pa nila akong pini-pressure sa school. Kaya tudo aral ako para maging proud sila sakin.

There are times na naiiyak nalang ako dahil nalilito nalang ako kung ano ang dapat kung gawin.

But i love my parents, even tho, nakakasakal na sila sakin. Palagi ko nalang iniisip na, para sa ikabubuti ko to.

Sabado ngayon kaya as usual, wala sila mama at papa kasi busy sila sa botika. At kami lang magkakapatid ang nandito sa bahay. Mamaya pang 8 pm uuwi sila mama at papa.

Nagtagal pa ako sa pagduduyan habang nag-iisip ng kung ano-ano. No'ng nag sawa na ay bumalik na ako sa loob. Medyo sumakit kasi yung puson ko. Baka dadatnan na ako.

Yung nadaanan ko kanina, ganon pa rin ngayon. Busy pa rin sila sa kanilang cellphone at nag mumurahan. Ang lalakas ng mga boses, nakakarindi.

Pumunta muna ako sa kusina at nag init ng tubig. Hot compress yung kailangan ko ngayon kasi nagsisimula na nga. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko at humiga. Kinalikot ko muna yung cellphone ko nang may napagtanto ako.

His Mysterious StaresWhere stories live. Discover now