Chapter 8

6 1 0
                                    

Chapter 8: Weird and curious

Her POV




Huminga ako ng malalim, nasa tabi ko silang kuya habang may kung anong kinalikot sa kanilang bag. Kakababa lang namin at nandito kami ngayon sa harapan ng malaking gate ng WHU.

Marami na rin ang pumapasok at may iba rin na tumatambay or may hinihintay lang.

Si Jai kaya? Pumasok na rin kaya yun?

Niyaya na ako nila kuya pumasok, tumango lang ako at mahigpit ang kapit sa strap ng bag ko. Okay! Time to start my new journey!

Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos ay sumabay na kila Kuya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil inakbayan ako ni Kuya Azu, habang si Kuya Avz naman ay palaging ginugulo ang buhok ko. Leche! Yung nerbyos ko kanina nawala ng dahil sa kaniya! Di ko alam kung masama ba o hindi pero siguro yung dalawa.

"Abyang? Ba't ang baho ng buhok mo? Di ka ba naligo?"  Parang tanga niyang asar sakin. Habang ako naman ay umiinit na ang ulo dahil sa inis! Si Kuya Azu ay nakikinig lang at tumatawa.

Binalingan ko ng ulo si Kuya Avz at sinamaan ng tingin. First day of school, nab-bwesit ako ng dahil sa kaniya.
Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na parang sumusuko. Inirapan ko lang siya at sa daan nalang binaling ang pansin ko.

Yung ginulo ni Kuya Avz kong buhok ay binalik ulit ni Kuya Azu sa dati. Mabuti pa si Kuya Azu hmp!

Nasa hallway palang kami, naramdaman ko na ulit ang tinginan ng mga tao. Normal rin naman yun kaya pinakalma ko ang aking sarili. Tahimik lang ang dalawa kong Kuya, habang yung mga babae naman sa paligid ay sumusulyap sa kanila. Himala rin at biglang nag seryoso si Kuya Avz at hinawakan pa ang kamay ko na parang bata. Nevertheless, I didn't complain.

Well, i can't blame them. My older brothers had the looks and the three of them are quick-witted. While me? I don't know. I'm living behind their shadows. But even tho, things are like that. I can say that, I am so proud of them.

Nasa daan lang ang tingin ko paminsan-minsan ay tumitingin sa palagid. Ang dalawa ay nag-uusap na ngayon sa di ko alam kung ano ang pinag-uusapan. Aside from the stares we felt from the people whose around us, wala namang nangyari pa.

Hawak ni Kuya Azu ang Schedule ko kaya sumusunod lang kami ni Kuya Avz sa kaniya. I took Bachelor of Science in Tourism Management Major in Flight Attendant Course  Pinag-isipan ko rin kung ano ang kukunin ko na course ng ilang gabi, and i came up with this idea. Sana hindi ako mahirapan.

Lumabas kami sa pinasukan naming building kanina. Sabi ni Kuya Azu hindi daw doon ang building ng mga  Tourism student. Naiiyak ako! Gagi! Bakit kasi ang lapad tas laki ng school grounds nila tas ang daming building pa!

"I can hear whining inside your head Avi."  Usal ni Kuya Azu habang nakatingin pa rin sa schedule ko. Tumawa lang si Kuya Avz kaya napasimangot ako.

Wag niyo ko kausapin!

Malayo-layo rin ang nilakad namin bago kami nakarating sa building ng mga Tourism students. Or should i say, building ko na rin. Kinuha ko na ang schedule ko kay Kuya Azu at tinaboy sila. Charot! Joke lang yun.

"Ako na ang bahalang maghanap sa classroom ko, baka malate pa kayong dalawa kaya chupiii na!" Taboy ko sa kanilang dalawa. Oo na tinaboy ko pala talaga.

Kumunot ang dalawa nilang noo, "Huy Abyang! Wala kang kakilala dito. Malayo pa naman ang building namin sayo."  Usal ni Kuya Avz. Well, may point siya pero baka nga malate sila dahil sakin!

"I know what you're thinking, wag kang mag-alala. We can handle ourselves."  Ani ni Kuya Azu at hinila ako na parang bata papunta sa hagdanan. Habang si Kuya Avz ay nangunguna samin at yun ang nagtanong kong saan ang classroom ng mga FAS.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Mysterious StaresWhere stories live. Discover now