5

84 6 0
                                    

"Anong tulong ba 'yon?" Agad na sabi ni Justin pagkarating namin sa station ko.

"Inutusan ako na gumawa ng template. Eto yung details na ilalagay then eto yung example kung paano." Binigay ko sa kanya yung papel na bigay sa akin ni Jane. "Wala kaseng pumapasok sa isip ko na ideas. Dapat daw unique at catchy. Since Multimedia Art student ka naman, magaling ka sa mga designs."

Sandali niya pang tiningnan ang papel na nakasulat bago siya naupo sa harap ng computer. Nasa sahig yung tatlo nakaupo para mas makakain daw sila ng maigi tsaka para daw di halatang madami kami sa station ko.

"Adjust mo 'to ng konti. Medyo di pantay yung linya." Nasa gilid niya lang ako at hindi rin maalis ang mga mata sa computer.

Napatingin ako sa ilalim ng biglang umilaw 'yon. Agad kong binaling ang tingin ko sa loob ng office ni Jane. De-remote yung glass wall niya. Pwede niyang buksan at isara using a remote. Kapag nakasara ay sarili mo lang talaga ang makikita mo pero sa loob ay kitang kita ka rin niya. Kapag binuksan niya naman ay makikita mo rin siya sa loob.

"Saglit lang, Justin. Pinapatawag ako." Sabi ko at tinanguan niya lang ako. Nakatulog na yung tatlo sa sahig at nakaligpit na rin yung mga pinagkainan nila.

"Tapos mo na ba ang template na pinapagawa ko?" Agad na tanong niya pagkasara ko ng pinto.

"Currently working on it. Nagpatulong na rin ako sa kaibigan ko para sa design." Tumango naman siya at bahagya akong nakaramdam ng kaginhawaan. Ewan ko kung bakit.

"Submit it to me before this day ends. I'll check it before we show it sa board sa Friday." Aniya at binalik ang tingin sa table niya.

"Okay. Anyway, okay ka na ba?" Tanong ko at napatigil naman siya.

"Medyo bumaba na yung lagnat ko. Thanks." Matipid siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako.

"Welcome. I'll go check the template baka tapos na 'yon." Nakangiti kong sabi.

"That fast? 2pm pa lang ah?" Gulat niyang saad.

"Mm. Baka kaibigan ko yan!" Pagmamayabang ko.

"Tss." Lumabas na rin ako pagkatapos nun.

"Need ko na daw isubmit yan before this day ends." Sabi ko pagkabalik ko sa station ko.

"Konting retouch nalang naman 'to. Baka wala pa ngang 4pm, nasubmit mo na 'to eh." Si Justin habang naka focus pa rin ang tingin sa computer. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago niya matapos ang paggawa.

"Done!" Nakangiti niyang sabi at bahagya pang ginagalaw ang mga balikat at leeg. "Nakakangalay!"

"Nicee! Ililibre kita sa Sabado hehe." Sabi ko at chineck ang gawa niya.

Ang lupet! Masasabi kong unique at catchy nga 'to!

Agad kong sinave iyon sa flashdrive at nagmamadaling pumasok sa office niya para magsubmit.

"Oh? Tapos na?" Walang emosyon ang mukha niya pero nakataas ang dalawang kilay.

"Mm. Sorry wala akong masyadong ginagawa sa paggawa niyan since wala naman akong talent sa designs, taga pantay lang ako ng mga linya hehe." Kwento ko pero di niya ako pinansin.

"I'll check it later. Pabili ako isang box ng chocolate cake at milktea sa labas. Ayoko dyan sa cafeteria." Utos niya kaya tumango ako at lumabas.

"May gusto ba kayong kainin? Lalabas ako." Tanong ko.

"Libre mo ba?" Agad na sagot ni Josh.

"Mm. Kaya dalian niyo na habang maayos pa takbo ng utak ng boss ko sa loob." Agad namang nagliwanag ang mga mukha nila pagkarinig ng sagot ko.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now