11

73 6 0
                                    

Nauna nang pumasok sa loob si Jane habang ako ay nanatili sa loob ng kotse. Parang bigla ay ayokong pumasok dahil may naghihintay sa akin sa loob ng lobby.

From: 0998*******
Hi babi! Si Gia 'to. Nasa lobby ako ng condo mo. Ayaw ako papasukin ng receptionist eh. I don't have any proof daw na kakilala kita. Sobrang higpit naman pala dito. Puntahan mo na ako dito and almost three hours na akong naghihintay dito babi! I'm hungry na din:<

Napapikit ako sa inis. Hanggang dito ba naman ay susundan ako nito? Kahit sa text ay conyo pa rin. Kanina pa niya tinext 'yan at ngayon ko lang nabasa. Halos manlumo ako sa pag iisip kung paano pa ako makakapasok sa loob.

Jane Calling...

"Hey, where are you?" Malumanay niyang tanong pagkasagot ko sa linya.

"Nandito pa rin sa parking lot. Bakit?" Sagot ko.

"Ba't di ka pa umaakyat? Trip mo bang matulog dyan?" Taka niyang tanong.

What makes Jane a simple woman is kahit anong yaman niya at ng pamilya niya, hindi siya madalas nag eenglish. Sabagay, nasa Pilipinas naman tayo kaya ba't mag eenglish pa? Joke.

"May problemang nag aabang sa akin dito sa lobby eh." Napabuntong hininga ako sa dahilang iyon. Mag iisang oras na akong nandito sa loob ng kotse at inaantok na ako.

"Edi tumawag ka sa front desk at sabihin mong sa fire exit ka dadaan." Aniya at bigla naman akong nabuhayan ng loob.

"Oo nga 'no? Sige, salamat! Haha!" Napangiwi ako ng bigla kong maibaba ang tawag.

Lumabas ako ng kotse at dahan dahang sumilip sa labas. Sinensyasan ko naman ang guard na lumapit sa akin at agad naman siyang sumunod.

"Kuya, may itatanong lang ako." Agad kong sabi pagkalapit niya.

"Ano po 'yun, Sir Ken?"

"Bukas lang ba ang fire exit dito?" Tanong ko.

"Bukas naman po, Sir. Kaso nga lang hindi kayo makakalabas kasi nasa labas nun ang lock. Bakit di po kayo dumaan dito?" Turo niya sa lobby.

"May nakaabang na problema sa akin dyan, Kuya. Iniiwasan ko lang." Natatawang bulong ko at natawa din naman siya.

"Babae 'yan Sir 'no?" Nanunuksong tanong niya pa kaya muli kaming natawa.

"Opo. Hanggang dito ay nasundan pa ako." Sagot ko.

"Tatanungin ko yung sa front desk kung maaari bang daanan yung likod. May daanan dun papasok sa second floor e." Aniya at iniwanan ako saglit. Humalukipkip sa gilid para hindi ako makita. Muli ay tumunog ang phone ko.

Jane Calling...

"Nakapasok ka na ba?" Sabi niya pagkasagot ko ng linya.

Bakit ba parang atat 'tong makapasok ako?

"Hindi pa. Pinakiusapan pa nung guard yung front desk kung pwede daw ba ako dumaan sa likod. Diretso second floor na daw 'yon eh." Sagot ko. "Ba't minamadali mo naman akong pumasok sa loob?"

"Baka hindi ka pa gumagaling sa lagnat mo? Walang magbabantay sayo." Aniya at natigilan naman ako.

"B-babantayan.. mo'ko?" Hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti sa sinabi niya.

"Oo. Dahil baka isipin ng kapatid mo ay pinapahirapan kita where in fact wala ka naman masyadong ginagawa unlike sa kanya na halos akuin ang trabaho ng ibang empleyado para lang may magawa sa buhay." Mahabang litanya niya at natawa naman ako ng mahina. "What are you laughing at? May nakakatawa-"

"Ang cute mo. Yung boses mo parang nagsusumbong eh." Nakangiti kong sagot at tumahimik naman ang kabilang linya.

"He-" naputol ang sasabihin ko ng kasabay maputol ng linya ay ang biglang pagsulpot ang guard na kausap ko kanina.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now