6

84 4 0
                                    

Nagising ako sa alarm clock ko at bitin ang tulog ko. Anong oras na ako nakatulog kagabi kakaisip kung kakayanin ko pa bang tumagal ng limang buwan dahil klase na naman sa Lunes. Nanatili akong nakatingala sa kisame hanggang sa mawala ang antok ko bago ako bumangon.

Agad akong naligo at nagbihis para makapagluto ng breakfast ko. Sinikap kong hindi masunog ang itlog na niluluto ko. Ito lang ang kaya ko sa ngayon.

Agad akong kumain at binilisan ang kilos ko. Diretso ako sa parking lot at nagdrive papunta sa Venice Mall na sinabi ni Army Jane. Malapit lang to sa school namin at dito kami minsan tumatambay nila Stell kapag tinatamad na kami bumyahe sa ibang mall.

To: Miss Jane
Dito na ako.

Hindi ako bumaba ng sasakyan hangga't hindi siya nagrereply.

From: Miss Jane
Sige. I'm on my way.

Muli kong sinipat ang suot ko. Black shirt, black jeans at high cut shoes tapos may suot pa akong mask at black cap. Bumaba ako at pumasok sa coffee shop na nakita ko. Umorder ako bago naghanap ng mauupuan.

Hindi pa naman masyadong madami ang tao sa Mall since maaga pa lang naman. 6:15AM pa lang at medyo malamig pa ang hangin.

Napatingin ako ulit sa phone ko ng muling tumunog ito.

From: Miss Jane
I'm at Soft Matt.

Tinapos ko na ang kape ko at nagbayad. Mabilis akong lumabas at hinanap ang store na sinabi niya.

Soft Matt.. Soft Matt.. Soft Matt.. ayun!

Pumasok ako agad sa loob at tanaw ko ang mga naggagandahang damit sa loob.

"Good morning, Sir! Welcome to Soft Matt!" Bati sa akin ng mga saleslady sa loob.

"Good morning. May pumasok bang babae dito ngayon lang?"

"Yes, Sir. She's on the VIP Area. Let me take you there." Nakangiti niyang sabi kaya tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

"He's here, Ma'am." Aniya at iniwanan agad kami.

Tumayo siya at humarap sa akin saka tiningnan ang kabuuan ko. Nakagym attire pa siya.

"Ganyan ba talaga lahat ng damit mo? May pinagtataguan ka ba?" Takang tanong niya.

"W-wala naman. Eto lang talaga ang gusto kong style." Hindi siya sumagot at sumenyas sa mga nakatayong saleslady sa gilid. Tulak tulak nito ang dalawang cart na puno ng iba't ibang formal suit at pants tapos may mga sapatos pa.

Gulat akong napatingin sa dami ng mga nakalagay dun. Naka by pair na lahat.

"Sukat mo na. Pumili ka na rin." Aniya at muling naupo.

"Eh.. ang dami naman nito." Sagot ko kaya inis siyang napatingin sa akin.

"Alam ko kaya simulan mo nang magsukat para hindi sayang sa oras. Ako din naman ang magbabayad niyan kaya bilisan mo na bago ko pa utusan 'tong mga babae sa gilid ko para bihisan ka." Aniya kaya mabilis akong pumasok sa fitting room. Pinasok na rin ng babae ang isang cart sa loob at lumabas na rin.

Malawak naman sa loob at may full body na salamin. Isa isa kong sinukat ang mga nasa cart at apat na pares ang napili niya. Siya din ay namili ng mga bagong damit at halos mabulunan ko sa mga presyo ng napipili niya.

"Akin na 'yung gold card." Taka ko siyang tiningnan. "What?"

"Eh.. sabi nila sa akin for Emergency use lang daw 'to." Sagot ko.

"Hindi ko dala ang wallet ko. Tsaka sayang naman kung 'di magagamit diba?" Wala akong nagawa kung hindi ibigay sa kanya ang gold card.

Lagpas labinlimang bags ang bitbit ko at may dalawang lalake naman ang lumapit sa akin para kunin ang ibang bags.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now