19

66 4 0
                                    

Hindi ko malaman kung paano ko pa pipigilan ang puso ko na magwala tuwing ngumingiti siya at tumatawa sa harap ko. Parang gusto kong saktan ang sarili ko at ipaalam na sana ay panaginip lang ito pero hindi eh.

"Paano ka nga pala nakapunta sa school? Hinatid ka ba?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Yeah." Matipid niyang sagot at saka sumubo ng pagkain.

Hindi na ulit ako nagtanong dahil mukhang nag eenjoy siyang kumain.

Dinala ko siya dito sa paboritong restaurant namin ni Ate. Kaklase ni Ate ang may-ari nito kaya minsan ay nakakalibre kami noong bago pa kami dito.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong nagbayad at lumabas na.

"Kamusta ang foods? Masarap 'no?" Nakangiting tanong ko.

"Yeah. Perfect for my taste." Tumatango-tangong sagot niya.

Sabay kaming nagtungo sa mini parking lot ng restau. Panay pa ang daldal ni Jane tungkol sa pagkain nila kaya pati ako ay napapangiti sa kanya. Akma ko siyang pagbubuksan ng pinto ay nagulat ako sa biglang malakas na hampas sa may ulo ko.

"Shit!"

Namalayan ko nalang ang sarili kong nanghihinang napasalampak sa sahig. Ramdam ko ang mainit na likidong dumadaloy sa ulo ko at ang sakit na parang binambo ang ulo ko.

"Who the hell are you?!" Galit na sigaw ni Jane.  Sinikap kong tumayo at kumuha ng lakas sa pinto ng kotse kahit na umiikot ang paningin ko. "Are you okay?!" Nag aalalang tanong niya sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko at nagulat ako sa dugong bumalot sa kamay ko.

"Sinong humampas sa akin?" Mahinang tanong ko at tawanan ang narinig kong sagot.

"Haharang-harang ka kasi, pre.." aning isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at maskarang hindi ko malaman kung saang horror house nila nadekwat. Pero isa lang ang nakita ko na pare-pareho sila, a snake tattoo.

"Ano pang hinihintay niyo? Banatan niyo na para makauwi na ako! Sayang yung binabayad sa atin kung tatayo lang ang gagawin niyo!" Sigaw ng lalaking nasa likod. Malaki ang katawan, mahaba ang bigote at may sigarilyo sa bibig.

Huli ko nang mapansin ang mga hawak nila. Golf club, baseball bat, at makakapal na kahoy. Lord, ilayo niyo po kami sa mga demonyo.

"Ang sakit..." Daing ko habang sapo pa rin ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan banda sa ulo ko 'yung natamaan basta malapit sa batok. "Tumawag na tayo ng pulis.." mahina kong sabi.

"No. Don't you dare.." matalim ang tinging iginawad niya sa akin kaya natahimik ako. Dahan-dahang lumalapit ang mga lalake papalapit sa amin. Agad na gumapanh ang nginig sa buong katawan ko. "Pumasok ka sa loob. 'Wag mo masyadong igalaw ang ulo mo.." agad niyang binuksan ang pinto ng kotse ko. "Take my phone. Call any RID member and tell them where we are and what's happening. Ako na bahala ang kakausap sa kanila. Bilis!"

Hindi pa ako nakakasagot ay tinulak niya na ako papasok. Hinalungkat ko ang bag ko para maghanap ng damit na ilalagay sa ulo ko para tumigil sa pagdurugo. Naliligo na ako sa dugo at pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na.

Nagulat ako sa biglang paghampas ng kung sino sa kotse ko dahilan para umalog ito. Pagkakita ko ay nagulat ako sa nangyayari sa labas. Jane with... Eli?! Anong ginagawa niyan dito?! Ang sabi usap lang, bakit may humagis?!

"Dre! Ken! Ayos ka lang?!" Nanlalaki ang mata at humahangos si Stell na binuksan ang driver seat.

"A-anong ginagawa niyo rito?!" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Bigla niyang hinablot ang phone ni Jane at siya na ang nagpipindot doon. Maya maya pa ay panay na ang salita niya.

"Shit! Dumudugo 'yung ulo mo!" Kahit hirap ay nagawang lumipat ni Stell sa backseat. "Hindi ko alam paano paaandarin 'tong kotse mo kaya dito nalang tayo. Parating na rin 'yung RID chuchu na sinasabi ni Army Jane kanina." Aniya at saka tinulungan akong ilapat ng maayos ang damit sa ulo ko. "Nahihilo ka ba?! Naduduwal?! Ano?!" Sigaw niya kaya napapikit ako.

"Magkalapit lang tayo at mas lalong hindi ako bingi! 'Wag kang sumigaw!" Sigaw ko rin pabalik at ngumuso naman siya.

"Dadalhin na kita sa ospital!" Aniya at saka lumipat ulit sa driver's seat.

"Hindi ka marunong magdrive tsaka baka anong mangyari kay Jane dito!" Usal ko kahit na dapat ay isinugod na ako sa ospital sa sitwasyon ko. "Okay lang ako.."

"Eh paano kung maubusan ka ng dugo dito?! Siraulo ka ba?!" Galit na sigaw niya.

Sasagot na sana ako nang biglang mahagip ng mga mata ko ang sunod sunod na pagdating ng mga kotse. Lahat ay itim at halos kapareha lang ng sa akin. Isa isang bumaba ang mga sakay nun at parang mga hangin lang kung humagis dahil sa lakas ng pagkakasapak at pagkakasipa ng ilan sa kanila. Mahigit sampu 'yung nandito at hindi ko alam kung paano nila napatumba iyon sa maliit na oras.

Hindi ko rin nakita kung paanong galaw ang ginawa nila dahil mas inaalala ko ang ulo kong nagdudugo.

"Tara na sa ospital!" Malakas na sigaw ni Jane habang tagaktak ang pawis sa noo. Mabilis na lumipat si Stell sa tabi ng driver's seat at pumalit sa kanya si Eli.

"Susi!" Walang sali-salita ay iniabot ko sa kanya ang susi.

Hawak ni Jane ang damit na nasa ulo ko at ramdam ko na ang pagbigat ng mga mata ko. Inaantok ako. Inihiga ko ang ulo ko sa sandalan at saka ako pumikit.

Nagising ako sa pagkalam ng sikmura ko. Babangon na sana ako nang bigla akong tinulak pabalik ni Eli. "Ahhh.."

Inilibot ko ang paningin ko at walang tao bukod sa aming dalawa.

"Wag ka munang gumalaw. Hintayin mo ako dito at tatawagin ko lang ang doktor." Agad siyang lumabas at maya maya pa ay pumasok na ang doktor at nurse kasunod siya.

"How are you feeling?" Tanong ng doktor.

"Okay lang po. Medyo masakit lang 'yung ulo ko pero kaya ko pa namang tiisin." Sagot ko.

"Maliit lang naman ang sugat sa ulo mo at good thing na dinala ka agad dito. Wala namang damage ang ulo mo kahit na malakas ang pagkakapalo sa iyo. Makakalabas ka na dito once na maghilom ang sugat mo. Okay?" Mahinanong tugon niya kaya tumango ako. "That's all. I'll be back later to check you again. Kumain ka na din and after an hour may pupuntang nurse dito para sa meds mo."

Ngumiti siya bago umalis kasama ang nurse na nakasunod sa kanya. Inayos ni Eli ang mini table sa kama ko at inilabas ang mga pagkain galing sa paperbag.

"Asan nga pala si Stell at Jane?" Tanong ko. Nilapag niya muna ang mga pagkain sa table ko bago sumagot.

"Umuwi si Stell sa bahay para kumuha ng mga damit namin at mga damit mo rin. Si Jane naman ay umattend ng meeting sa office then sabay nilang susunduin ang parents mo sa airport then deretso na dito.." mahabang sagot niya pero natigilan ako sa huling sinabi niya.

"Parents ko? Bakit sila pupunta dito?!" Gulat na tanong ko.

"Malamang ay nag-aalala sayo. Tinawagan sila ni Stell pagkatapos mo isugod dito." Mahinahon niyang tugon.

"O-Okay.. Salamat nga rin pala sa inyo.." usal ko at tipid lang siyang ngumiti sa akin. Sinimulan ko nang kumain at pakiramdam ko ay naubusan ako ng enerhiya. "Anyway, anong araw ngayon?"

Tumingin siya saglit sa relos niya bago sumagot.  "Friday na. 3:15PM."

"Okay." Maikling tugon ko at bumalik sa pagkain.

Pagkatapos nga ng isang oras ay pumasok ang isang nurse at pinainom ako ng gamot. Pain reliever daw 'yun para mabawasan ang pagkirot ng sugat ko.

Tinatamad akong buksan ang TV kaya bumalik ako sa pagkakatulog. Hindi naman ako nahirapan dahil ilang minuto lang ay kinain na din ako ng antok at agad na nakatulog.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن