18

76 7 0
                                    

This chapter is dedicated for clz_writes. Thank you for voting! <3

------

Hindi na muna ako umuwi at sumama na muna sa mga kaibigan ko na mangolekta ng mga participants. Gusto kong sumali pero hindi naman ganon kaganda ang boses ko. Malalim kaya hindi ko alam kung may kanta pa bang babagay sa akin.

Sinamahan ko si Justin na pumunta sa broadcasting room. Sa loob 'yon ng Dean's office.

"Good afternoon students. The Music Club will start collecting participants for our Battle of the Bands. The screening will start on Monday until Wednesday. Kung gusto niyo sumali, please proceed to the Music Club office right now and see Mr. Stell Ajero and Mr. John Paulo Nase, they are the President and the Vice President of the club. For more questions, just ask them. Thank you." Mahabang anunsyo niya at saka pinatay ang ang mic. Nagtawanan kami saglit sa huling sinabi niya bago lumabas at pumunta sa Music Club office.

Madaming estudyante rin naman ang pumila pagkatapos ng anunsyong iyon. Alas kwatro pa naman at maaga pa kaya naupo ako sa loob at pinakealaman ang Piano nila sa gilid.

Nagsimula akong tumugtog ng random na kanta. Marunong ako sa mga instruments dahil pinapakealaman ko mga instruments ni lolo dati sa amin. Tamang kapa kapa lang sa chords, ganon.

"Naks naman!" Bigla akong napalayo sa piano nang biglang pumasok ang isang member ng Music Club.

"Sorry!" Nahihiyang tugon ko pero tinawanan niya lang ako.

"It's okay. Patuloy mo lang 'yan. May kukunin lang akong gitara.." aniya at saka lumapit sa may gawi ko pero hindi siya makadaan dahil sa mga drums. "Paki-abot niyang black guitar, please."

Agad ko 'yong inabot sa kanya.

"Thank you! Piano ka lang dyan ulit.. hehe.." mabilis siyang tumakbo palabas.

Tatlong gitara ang nandito. Kinuha ko ang isa at pumwesto sa sulok saka nagsimulang magstrum.

Falling in Love
By 6 Part invention

You and me, we got along just fine
But deep inside I know there is more
Right next to you
I know you're the right one
Can't fight this feeling
I'm taking chances now
In my heart I feel
That this is something real
I don't wanna let this moment go

Napapikit ako para damahin ang pagkanta.

Why, oh, why do I feel this way
When I'm with you
I feel so alive
Why, oh, why will I hide away
I can't help it
I'm falling in love with you.

Am I really falling in love with you?

Napangiwi ako sa naisip ko. Paano naman? Maikling panahon ko pa lang naman siya nakilala.

"Sabihin mo lang kung gusto mo rin ang boss mo.. sasabihan ko si Diko na ilakad ka sa kanya." Natatawang sabi ni Justin.

"Hindi ko siya gusto.." agad na sagot ko. "Hindi mangyayari 'yon.."

"Sus.. mukha mo! Nasasabi mo lang 'yan kase hindi mo nakikita ang sarili mo. Iba ang kinang niyang mga mata mo tuwing nakikita siya.." aniya at naupo sa harap ko.

"Anong kinang kinang mga pinagsasasabi mo? Bading ka ba?!" Asar ko sa kanya pero napailing lang siya.

"I swear.. you can ask Stell, Josh and Pablo. Akala mo ba hindi namin napansin 'yung biglang pagwalk-out mo noong sinabi ni Josh yung salitang "crush" kay Pablo?" Nakakunot ang noong sabi niya. Napansin niya 'yon?

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα