24

113 4 2
                                    

Hi everyone! It's been two months since I've updated this story! I've been very very inactive in Wattpad for months kase sobrang busy sa school. Hindi ako informed na ang bongga pala ng pagka-busy pagtungtong ko sa college. At since Christmas Break na, I've decided to update para makapagpahinga rin ang utak ko sa school. Like parang mawala 'yung attention ko sa school works for a day. Anyways, daldal ko na! Sana magustuhan niyoooo! Thank you so much for waiting and Merry Christmas!<33

++++++++

"Tubig, oh." Agad namang inabot ni Stell ang tubig na hawak ko at nilagok iyon ng diretso. "Okay ka na ba?"

"Ilang araw na akong hindi okay. Aaminin ko 'yon. Ang hirap. Nasanay akong nakikita ko siya sa bahay pag-uwi ko. Bawat sulok ng bahay naaalala ko siya. Ano na bang ginagawa ko sa sarili ko?!" Napasabunot siya sa buhok niya at ramdam ko ang inis.

Tapos na ang lahat ng intermission numbers at simula na ng Battle of the Bands. Andito kami sa parking lot kasama si Josh dahil nagpaiwan sa loob si Pablo at Jah.

"Labas mo lang. Sabihin mo pag hindi mo na kaya, magbobook ako ng ticket papunta sa bansa niya." Pabirong sabi ni Josh.

"As if naman may pera ako.." natatawang tugon ni Stell.

"May katabi kang bumabaha ang pera sa bangko.." tukoy ni Josh sa akin.

"Anong bumabaha? Baliw!" Apila ko sa sinabi niya.

"Araw-araw ko nga naiisip 'yan. 'Yung sundan siya. Kaya lang hindi ko naman alam kung saan. Tanging sila Army Jane lang ang may alam." Aniya at bumuntong hininga.

"Close naman kayo nung Ramirez na kasama niyo kaninang kumanta, diba? Ba't di mo itanong?"

"Nahihiya ako, pre. Parang nagiging desperado ako kapag itinanong ko pa sa kanya 'yon. Gustong-gusto ko nang makausap si Eli. Gustong-gusto ko na siyang hawakan at yakapin. Namimiss ko 'yung boses niya, yung tawa niya. Lahat. Pero ayoko naman silang pilitin kung ayaw talaga nilang sabihin. Naiintindihan kong pribado 'yon." Mahinang tugon niya at natahimik naman kaming tatlo.

"Parang hindi na simpleng "pagkagusto" 'yang nararamdaman mo, ah?" Pabirong sabi ni Josh.

"Hindi nga. Love at first sight." Nakangiti niyang sagot.

"Sheesh." Tanging nasabi ko nalang.

"Ikaw ba, Ken?" Baling ni Josh sa akin at napatingin naman agad si Stell. "Love at first sight din ba?"

"Tigilan mo 'ko, Josh." Saway ko pero ayaw niyang tumigil sa kakatanong.

"Tatlo lang tayong nandito, oh! Dali na kase!" Pamimilit niya.

"Hindi, okay?!" Naiinis na sagot ko.

"Eh, ano?!"

"Hindi ko alam! Basta tuwing nakikita ko siyang nakangiti, natutulala ako. Tuwing tinitingnan niya ako, hindi ako mapakali. Nagwawala ang puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Wala naman siyang ginawa pero.. lakas ng impact niya sa akin palagi. Crush lang naman 'to diba?!" Hiningal ako pagkatapos kong magsalita at silang dalawa naman ay nakatingin sa akin habang nakanganga. "Ano?! Sagutin niyo ko!"

"A-ano.. bukod sa iyan na ang pinakamahaba mong nasabi sa ilang taong pagkakaibigan natin.. m-may.. may tao din sa likod mo." Sambit ni Stell at bahagya pang nakaturo sa likod ko.

Natalikod ako sa bintana dahil kaharap ko silang dalawa habang nagsasalita ako at hindi ko namalayang may taong dumating. Umayos ako ng upo at dahan-dahang tumingin sa likod ko.

Awtomatikong natigilan ako sa nakita ko. Sabay na nanlaki ang mga mata ko at ang pagtigil ng paghinga ko.

This is not happening!

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now