POEM 5 - MAPAGLARONG TADHANA

10 0 0
                                    

Maraming tanong ang walang kasagutan.
Maraming sagot na di mabigyan ng tanong..
Akalain mo, sa layo layo nating dawala.
Tayo pa talaga ang pinili nya.

Minsan iniisip ko.
Maswerte ba ako sa ganito?
O minalas lang talaga ako.
Oo, nakilala ka nga pero di naman kita ma hagkan.
Di manlang kita masilayan.

Alam mo bang pinagdasal kita noon pa.
Hinihintay kita sa tuwi-tuwina.
Marami din akong nakilala
pero lahat sila ang bilis nawala.

Kung sakaling ikaw na yung tamang tao
May isang hiling lang ako.
Sana wag natin sukuan to.
Sana magtagal tayong ganito.

Alam mo napaka mapaglaro ng tadhana
Nahanap na nga natin yung isat isa.
Pero tutol parin sya.
Siguro nga nabigyan na tayo ng isang pagkakataon..

Ngunit sa ibang mundo, sa ibang kwento.
At alam ko doon mas masaya tayo.

Moon in AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon