POEM 9 - PANAGINIP

4 0 0
                                    

Siguro sasaya nalang ako kung saan ka sasaya
Kase alam kong tayo'y nagkakasakitan na
mahal pasensya kung, sakin nagsawa ka.
Pasensya kung nahihirapan ka.

iniintindi ko naman kung ano ung gusto mong mangyari dito
Kung hanggang saan nalang tayo
Oo, masakit pero tatanggapin ko kung hanggang dito nalang talaga ang kwento ko.

Palagi mong tatandaan na mahal kita
At Mamahalin parin kita kahit imposible na
Salamat pala sa masasayang alala na dinulot mo
Patawad, dahil binigyan kita ng lungkot sa puso mo.

Isasama parin naman kita kahit saan ako magpunta
I papasyal parin naman kita sa mga lugar na hindi mo pa nakikita
Papangitiin parin kita kapag malungkot ka.
Pero siguro lahat nang yon matutupad sa panaginip ko na.

Ang bilis ng mga pangyayari no?
Di na natin nahahabol ung mga pinangako natin sa isat isa.
Mahal, mag ingat ka.
At sana, alagaan ka rin nya
Kagaya ng pag alaga ko sayo nung tayo pa.

Moon in AriesWhere stories live. Discover now