POEM 11 - DALAMPASIGAN

4 0 0
                                    

Ang bakas ng iyong mga paa ay nakikita ko pa.
Kitang kita ko pa kung paano ito nawawala.
Sa malakas na alon, ito'y binubura.
Hindi ko alam kung tayo'y magkikita pa kaya.

Kung gaano kabilis kang dumating sa buhay ko
Ganon ka rin kabilis nag laho.
Iniwanan mo ko ng magagandang pangako
Na kahit kailan man ay hindi na mabubura sa aking puso.

Ako'y nalulunod.
Nalulunod sa masasayang alaala na dinulot mo.
Hanggang kailan ako magkakaganito?
Kailan ako babalik sa dating ako?

"Sana hindi nalang kita nakilala"
"Kahit kailanman, ayoko nang bumalik pa"
Yan ang huling nasabi mo nung hindi na natin nakakaya.

Sana ganoon lang kadali ang makalimot sayo.
Kagaya ng isang malakas na hampas ng alon sa dalampasigan,
Mabubura ang masasaya, masasakit at mapapait na
alaala na sa akin ay naibigay mo.

Moon in AriesWhere stories live. Discover now