POEM 6 - MAHAL NA BITUIN

11 0 0
                                    

Gusto kitang masilayan sa magdamag
Gusto kong makita ang iyong wangis kahit mabilis lang.
Pero bakit hindi maaninag ng tuluyan?
Mahal na bituin, pagbigyan ang hiling.
Sana magpakita sakin.

Palagi kitang pinagmamasdan.
Gabi-gabi kitang binabantayan.
Kahit ang layo nating dalawa
Yung pakiramdam ko ay parang malapit ka.

Ikaw lang yung bukod tanging bituin sa kalawakan.
Ikaw lang yung kumikislap ng ganyan.

Isang araw hinanap kita sa kaulapan
Pero hindi na kita matagpuan.
Alam kong dadating yung araw na to.
Yung maglalaho yung kinang na naidudulot mo.

Walang pasabi na maglalaho ka.
Bigla ka nalang nawala.
Ganon lang ba ka ikli nang buhay mo?
At iniwan mo ng may kirot sa puso.

Moon in AriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora