POEM 7 - MALING MUNDO

6 0 0
                                    

Ako'y magiging gabay mo sa malabo mong mundo.
Magiging sikat ng araw kapag
malungkot yung araw mo.
Mahal, sana gawin mo akong inspirasyon mo.

Aabutin natin ang mga pinangarap nating pangako.
Kahit mapunta man sa maling oras at tao
Ikaw at ikaw parin yung babalikan nito.
Matiyaga akong maghihintay

Kahit maligaw man ng landas.
Kahit mapunta man sa maling oras
Magsasama tayo kapag aayon na sa atin yung bukas

Isa lang sana yung gusto ko..
Itaga natin to sa bato
Na kahit kailanman,
Hinding hindi na tayo magkakalayo.

kahit Mapunta man sa maling mundo.

Moon in AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon