POEM 12 - WALANG HANGGANG PAGHIHINTAY

11 0 0
                                    

Suntok sa buwan ang makakilala ng
isang kagaya mo.
Sa laki ng kalawakan,
akalain mo dito tayo ipinagtagpo.
Alam kong kulang yung buong buhay na to para lang hanapin ka,
Pero binigay ka nya sa akin ng kusa.

Ang tagal tagal kong naghintay sayo.
Ilang dekada, ilang siglo.
Iba't ibang lugar yung pinuntahan ko
Pero ni isa hindi ko nakita ung anino mo.

Alam mo kung ano ung pinaka
nagustuhan ko sa lahat?
Kahit ilang beses man tayo nalayo.
Pilit parin tayong pinagkakasundo.

Hindi ko rin alam bat ganito tayo sa isa't isa
Kahit ilang beses man tayo nawala
Pero bumabalik parin ng kusa.

Ganito pala talaga yung magmahal ng malayo sayo.
Hindi mo alam kung kelan tayo ipagtatagpo
Sana dadating ung oras na hindi na kilokilometro
Yung layo nating dalawa.
Sana sa susunod,

nahahagkan na natin ung isat isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moon in AriesWhere stories live. Discover now