Chapter 6

349 40 0
                                    


Elyssa Gene's POV

I woke up dahil sa kiliti ng aking nararamdaman. I felt like someone's caressing my hair gently and as I opened my eyes. I saw Nana at the edge of the bed na hinahaplos ang buhok ko. Nahimatay pala ako sa sobrang pagod kanina, I wonder who cleaned me up.

Kaagad akong napaupo at nilibot ang aking paningin.

"God, I'm finally here," mahina kong saad. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman na sa wakas ay nakarating na rin ako sa mansyon ni Nana.

"You must have suffered a lot. I thought sa Sabado ka pa darating gaya ng pinag-usapan namin ng Ama mong si Oliver," Nana told me.

I sighed, "Hindi ko alam, Nana. Gusto lang talaga akong pahirapan ni Daddy."

"Gene, your parents loves you. Hindi mo lang siguro maintindihan ang uri ng pagmamahal nila, but someday you'll understand them."

Napairap ako sa ere. "Whatever, Nana," I replied.

Mahal? Gusto kong matawa sa sinabi ni Nana. Do they really love me? Siguro mamahalin lang nila kung pareho na ako umasta ni kuya. May makukuha silang maganda sa akin.

Nana tapped my back, "Oh sya! Bumaba na tayo para makapag hapunan na." Tumayo naman si Nana at ako rin. Sabay kaming lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. Nana has a lot of helper in her house. Napangiti ako dahil mukhang hindi naman pala ako mahihirapan sa pagtira dito.

Tumaas ang kilay ko ng makitang hindi man lang pinaghila ng upuan si Nana ng mga katulong niya. Instead they just let Nana pull out her own chair.

"Hey you!" tawag ko sa babaeng katulong ni Nana na mukhang kaedad ko lang din.

"Sir?"

"Aren't you gonna pull my chair? Kakain ako," I told her. Napatingin naman ang babae kay Nana kaya napa sunod na rin ako ng tingin.

"Ijo, If you can do it yourself, then do it. Kaya mo naman sigurong hilahin ang upuan na yan diba?" Nana told me. Napalunok ako dahil sa sabin niya. Just what the hell? They are helper, trabaho nila ang pagsilbihan kami.

"But, Nana. Katulong sila, they should serve us well," dahilan ko at padabog na hinila ang aking upuan.

"Gene, they are not just helpers for me. They are part of the family."

"That's odd," I mumbled.

"Gene apo, I want you to know na dito sa mansyon ko. Kung kaya mo namang gawin ang bagay do it on your own, you cannot always ask someone to do you things, kung kaya mo naman gawin. They are not our slaves, they are our helpers meaning they are here to help us, not to boss them around. Do you get it?" mahabang paliwanag ni Nana sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya, pero hindi ko talaga maintindihan.

Does she mean that I cannot boss them around? Binabayaran naman sila para pagsilbihan kami ah.

"Huwag mo masyadong isipin yan, apo. You'll get used to it, since you'll be staying here for your entire college year," Nana said Nabitawan ko naman ang utensils na hawak ko.

Anong ibig niyang sabihin?

"W-what do you mean, Nana?"

Nana smiled at me.

"Dito ka na mag-aaral ng kolehiyo, apo."

What?

"You guys are just kidding right? Daddy will pick me up here after 3 days, right?" pangungumbinsi ko kay, Nana. "Nana, ayoko dito," naluluha kong turan.

"Gene, eat your food," pag-iiba ni Nana sa usapan.

"But, Nana," giit ko pa.

"Elyssa Gene Michael!" pagtawag niya sa buong pangalan ko meaning hindi na siya natutuwa sa aking kakulitan. So, pati siya? Pati si Nana gusto rin akong pahirapan. Hindi ko tuloy maiwasan na pinagkakaisahan lang nila ako.

Matino naman ako, hindi lang nila ako kilala. Magaling naman ako sa ibang bagay, just like arts, painting, literature, I'm good at those. May talento din naman ako. They don't just know me.

Siguro kung nakilala lang nila ako ng lubusan maybe they'll also be proud of me? Maybe not, what's so good about me the fact that I'm gay in the first place.

"Pinagkakaisahan niyo ba ako?" mahina kong tanong.

I hear Nana sighed, "Gene, hindi ka namin pinagkakaisahan."

Hindi na lang ako nagsasalita pa at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang lumuluha. Hindi raw pinagkakaisahan pero, look at them. Pabor sila na dito ako tumira at mag-aral ng kolehiyo, dito sa pobreng lugar na ito.

Tapos sasabihin nila na hindi ako pinagkakaisahan? Ganun ba talaga kababa ang tingin nila sa akin para hindi ko malaman ang gusto nila na mangyari? Ano ba kasi ang gusto nilang gawin sa akin. Why can't they just tell me so I can do it and stop these bullshit things happening in my life.

Pagkatapos ng hapunan ay diretso na ako sa silid na ibinigay sa akin ni, Nana. Mabuti na lang talaga at kumpleto na ito sa gamit. May aircon na rin siya at may sariling banyo.

Tumihaya ako sa kama at inisip kung anong pwede kong gawin sa lugar na ito. Pero wala akong maisip, napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng silid ko.

I groaned as I stood and dragged my feet to the door and opened it.

"What?" malditang saad ko sa babae na katulong ni Nana. She's also the same girl I asked to pull my chair pero hindi niya ginawa.

"Nandito na po ang mga gamit niyo, sir," she said. Napatingin naman ako sa sahig at nandito nga ang mga gamit ko.

"Sino nagdala? Si Albert?"

Umiling siya habang namumula ang kanyang pisngi, "Si Sir Valentin po, sir."

Sir Valentin?

Who is that? May ibang amo pa ba sila bukod sa amin ni Nana?

"Valentin?"

"O-opo sir. Ang gwapong si sir Valentin po. Siya po ang namamahala sa hacienda and Donya Olivia's right hand po."

Nana's right hand?

"Okay," I just said and shut the door in her face. At bakit wala man lang nabanggit si Nana na may right hand pala siyang mamahala sa hacienda namin? Anyways, whatever. I need to do my night routine since inaantok na ako.

I opened my bag and I'm so disappointed dahil ni isa wala man lang isinama si Yaya Ester na skin care ko.

This can't be! 

The Brat son of Elite [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon