Chapter 15

346 36 2
                                    


Elyssa Gene's POV

Natapos ang araw ng unang pasukan. Nandito na ako sa aking silid at pagod na humilata. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at muling binasa ang mga palitan namin ng mensahe ni Jayden.

I smiled upon reading her text. Sabi niya hinahanap raw ako ni Drake sa kanya. Nakaramdam ako ng kilig pero biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Valentin. I took a deep breath and calmed myself.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman itong nararamdaman ko. It's not that strong but I'm sure it's getting there. Inihilamos ko ang kamay sa aking mukha at saka ako tumayo at bumaba ng kama.

I went downstairs to get some water because I badly needed to calm down. Sakto namang nasa kusina rin si Valentin kaya mabilis akong tumalikod at akmang aalis na sana ng tawagin niya ako.

"Ely, do you need something?" he asked me.

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Umiling naman ako, "N-no. Ah Yes, I mean water sana," halos wala sa sarili kong turan.

Valentin smiled at me as he handed me his bottle water na siyang pinag-inuman na niya. Damn, indirect kiss?

"T-thanks," I said habang inabot ko naman ang tubig na bigay niya. Ininum ko na lang din since I badly need water right now.

"So, how was your first day? Hindi kita natanong kanina since you really look so tired," paliwanag niya.

"It's actually good. But my hand hurts a lot. Hindi ko kasi inakala na need pa lang mag take down ng notes. Culture shock I guess?" I told him. Valentin just nodded at me as he leaned on the kitchen sink.

"Let me see your hand," sabi niya at inabot ang kamay ko. "Namamaga nga. Pero masasanay ka rin." he added at saka binitawan ang kamay ko.

"I hope so," I replied as I massage my right arm.

"Babalik na pala ako sa kwarto. See you later at dinner." paalam ko kay Valentin at saka tinalikuran siya. I was about to take another step when he called me again.

"Elyssa..." tawag niya.

"Yes?" lumingon naman ako.

He sighed at saka umiling, "Sorry, you can go." he said.

I frowned as I nodded at him. Halata naman sa mukha niya na may gusto siyang sabihin pero mas pinili niyang tumahimik kaya I have no choice but to left him there. Paakyat na sana ako sa kwarto ng tawagin ako bigla ni Nana.

"Gene, your kuya Elijah called." Nana said kaya mabilis naman akong tumakbo sa tabi niya at kinuha ang wireless na telephone. I ran to my room and shut the door.

Hinihingal akong tumingin sa telepono bago ko ito inilagay sa aking tenga.

"H-hello?"

"Ely! How are you?" bati sa akin ni Kuya.

Impit akong napaiyak ng marinig ko ang boses niya. I miss him. I badly miss him. Ilang araw na akong nandito sa St.Luke pero ngayon lang siya tumawag sa akin.

How dare he! Akala ko nakalimutan na niya ako.

"Hush now Ely, kuya is here. I'm sorry I wasn't able to call you earlier. Dad forbid me, ngayon lang niya ako pinayagan na tawagan ka. How are you? Are you okay? Kamusta si Nana?" mahabang paliwanag niya.

Pinahid ko ang aking mga luha. "A-ayos lang. Masarap naman ang mga pagkain kahit halos gulay. T-tapos, maganda ang simoy ng hangin walang halong chemical. Mabait naman 'yung mga tao dito. I've learn to adjust kahit nangangapa pa ako. Kahit na isang libo lang ang baon ko sa isang linggo at may utang pa ako dito. Wala silang tablet sa school tapos ang sakit ng kamay ko kakasulat. Nanay is fine naman just a bit strict like Dad," kwento ko kay Kuya. I heard him chuckle and then he cheered me up.

The Brat son of Elite [BXB]Onde histórias criam vida. Descubra agora