Chapter 9

338 44 1
                                    


A/N: Hi guys! Sa mga nagtatanong if may character reference na ako para bida natin. As of now wala pa po. May pinagpipilian pa ako kung sino. You can also recommend me kung sino sa tingin niyo ang bagay. 


[] Elyssa Gene's POV

Habang hinihintay namin ni Cecil si Valentin, we decided to have our lunch since I'm really hungry. Pagkatapos namin kumain ay tumambay na lang din muna kami habang nagkukwento si Cecil tungkol sa paaralan na ito. Napag alaman ko rin na Cecil is already a second year student and she's nineteen at mas matanda pala siya ng isang taon sa akin.

"Ahm.. Si Valentin? How old is he?" tanong ko. Well, I just wanna know how old he is. Wala naman sigurong masama kung alam ko ang mga bagay bagay sa lalaking iyon. Masyado niya kasi akong minamaliit na akala niya kilalang kilala na niya ako.

"Si sir Val? Twenty Two na iyon fourth year college student," Cecil answered me. "Alam mo si sir Val, highschool pa iyan dito na siya nagtatrabaho sa hancienda. Pati mga magulang niya dito na rin sila nagtatrabaho hanggang sa kunin na ng diyos ang buhay nila. Sobrang sipag niyang si sir Val, kaya maraming humahanga dyan. Halos yata lahat ng dalagang babae dito sa St. Luke may gusto sa kanya," pagtuloy ni Cecil sa pagkukwento tungkol kay Val.

"Ulila na siya?"

"Oo, para na nga siyang anak ni Donya Olivia. Simula nung mamatay ang mga magulang niya ang lola mo na ang kumupkop sa kanya."

Ngayon alam ko na kung bakit sobrang close nilang dalawa ni Nana. Siguro namiss rin ni Nana ang mga anak niya. Simula kasi ng mamatay si Grandpa when I was in highschool ay hindi na madalas kasama ni Nana ang dalawa niyang anak na lalaki. Daddy is busy travelling all over the world dahil sa trabaho niya and Tito Orion, I haven't heard about Tito since then. The last time I saw him was during Grandpa's burial and after that he vanished like a thin air. Nagpapadala na lang siya ng bulaklak every death anniversary of grandpa.

Hindi rin sila in good terms ni Daddy simula noong umamin sa kanila ni Tito Orion that's his gay. And I can feel that we're a bit similar, siya rin ang sinisisi ni Daddy kung bakit inatake si Grandpa sa puso at namatay. I wonder where Tito Orion is right now and how he is doing. I hope he's okay and happy at the same time.

Tito Orion is really a good person and he loves me. He's very fond of me and thinking of him namiss ko tuloy siya ng wala sa oras. I hope he finds his way back home.

Nabalik lang ako sa realidad when I heard a loud noise from our table. Marahas palang inilapag ni Valentin ang dala niyang mga libro.

"Ang dami naman niyan sir Val," ani ni Cecil at saka tinignan ang mga libro isa-isa.

"Ang tagal mo gusto ko ng umuwi," I said.

Valentin sighed at saka siya umupo sa harap ko, "I need to study in advance," sagot niya kay Cecil bago siya tumingin sa akin, "Nagugutom ako, can I eat first before we head home?"

Umiwas ako ng tingin. "Whatever," I said at saka ko itinuon ang tingin ko sa mga ibang estudyante. Napangiti ako ng konti when I saw a gay and a girl laughing to each other. Sobrang close nilang dalawang tignan and I couldn't help but miss my best friend, Jayden.

Napaigtad naman ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. My eyes went wide when I noticed who's calling me right now. Malakas pala ang signal dito sa school compare to Nana's mansion.

"Jay---"

"Ely!!! Oh my God! I finally got through. God! I miss you...I miss you so much," bungad kaagad sa akin ni Jayden ng sagutin ko ang tawag niya. Tapos narinig ko pa ang sunud-sunod niyang hikbi sa kabilang linya.

The Brat son of Elite [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon