Chapter 12

356 39 2
                                    


[] Elyssa Gene's POV

Nagpipigil ako ng tawa ng makarating kami ni Valentin sa cashier. If you only could see her face para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng makita niyang nakakapit ako sa braso ni Valentin. Para siyang tigre na handa akong lusubin anumang oras.

"Huwag mong pigilan baka mautot ka niyan," Valentin said that made me laugh so hard. I just can't help it.

"Did you see her face?" natatawa kong tanong. "It's hilarious," I added.

Natigil lang ako sa katatawa ng magsalita ang cashier. "That would be 3,550.99 php in total, sir," ani ng cashier. Pinigilan ko naman si Valentin ng kumuha siya ng pera sa kanyang waller.

"Ako na," I told him at saka ko binigay ang aking credit card sa cashier.

"You don't have to, Ely."

"It's alright. It's on me," I said. Pasasalamat ko na lang ito sa kanya for keeping my secret from Nana. Siya pa lang at si Jayden ang nakakaalam and I don't want else to know.

Ilang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin tapos ang cashier sa pag swipe ng mga pinamili namin. I frowned and asked her what the problem was.

"Ayaw talaga sir eh. Declined po talaga."

"What?" gulat kong tanong at saka tinignan kung ano ang nasa nakasulat sa card reader and she's not lying. Declined nga ang card ko.

It's Dad. He cut off my credit card. Ano na ang gagawin ko ngayon? I haven't bought my skin care yet. Wala akong dalang cash man lang. Dammit!

Nanlumo akong binawi ang aking credit card at saka humarap kay Valentin. He ruffled my hair at ngumiti sa akin.

"I guess it's on me right now," he said.

Nakanguso akong tumango sa kanya. After we pay ay lumabas na kami ng Dept. store. Lukot-lukot ang mukha kong nakasunod kay Valentin. I feel really depressed thinking that I'm broke right now.

I can't imagine myself being broke.

Saan ngayon ako kukuha ng pera kung ni hold ni Daddy ang credit card ko. Jesus! Saktong napadaan kami sa sikat bilihan ng palamuti sa katawan halos maiyak ako ng makita ang mahal kong skin care. Hindi ko namalayan na napahinto pala ako at parang tanga na nakatingin sa mga produkto. I wiped my tears na malapit ng pumatak at huminga ng malalim.

"Do you still have something else you want to buy?"

Umiling ako, "N-no. Tara na?" I said at saka ako naunang naglakad kay Valentin. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin papasok sa store na gusto kong puntahan. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Go on. Get whatever you want," nakangiti niyang saad sa akin.

Umiling ako. I already owed him a lot at isa pa ayokong maubos ang pera na pinaghirapan niya, "Elyssa, I told you it's on me alright?" pangungumbinsi niya sa akin.

"B-but they're expensive."

Valentin pinched my cheek, "Don't worry about it."

"Are you sure?"

He just nodded at me. Wala akong magawa kundi ang sundin siya. Pinili ko na lang 'yong mga importante talaga para sa mukha at balat ko. Saka na lang iyong iba kapag may pera na ako which is hindi ko alam kong kailan pa.

Thank God, Valentin is here to save the day for me.

"Yan lang ba kailangan mo?"

"Oo, eto lang."

The Brat son of Elite [BXB]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu