Chapter 10

364 41 2
                                    


[] Elyssa Gene's POV

Tahimik lang ako habang bumabyahe kami pauwi ng mansyon. It was just Cecil who kept on talking and expressing herself kung gaano siya naiinis kay Stefani. Habang ako naman ay nagpupuyos pa rin sa galit at inis.

Valentin kept on glancing at me pero hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit isang beses man lang. Naiinis rin ako sa kanya, bakit kasi ang tagal nilang sumunod sa akin. Kung nandoon lang siya at sumunod kaagad sa akin edi hindi sana ako nasampal ng Stefani na 'yon.

Pagkarating namin ng mansyon ay kaagad akong bumaba ng jeep.Si Cecil naman ay dumiretso sa likod ng bahay kung saan ang kwarto nilang mga katulong.

"Ely, sandali," tawag sa akin ni Valentin.

Tumigil ako pero hindi ako humarap sa kanya. Narinig ko ang papalapit niyang yabag at saka siya pumunta sa aking harapan para makaharap ako.

"What?"

Hindi siya nagsalita at basta na lang hinawakan ang mukha ko at sinuri. I felt it stings pero hindi naman ganun kasakit kumpara sa sampal na natamo ko sa aking mga magulang.

"Masakit ba?" nag-alala na tanong ni Valentin. I could see in his eyes that he was really worried.

I slapped his hand at saka siya nilagpasan. Dumiretso ako ng aking silid at saka kinapa ang aking dibdib na sobrang bilis nito tumibok. Kagat labi akong umupo sa kama at saka inalala ang inasta ni Valentin sa akin. How worried he is while checking on my face.

Huminga ako ng malalim at umiling. No, I should not think that way. Karapatan naman niyang mag-alala dahil siya ang dahilan kung bakit ako nasampal ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Wala lang 'yon.

Pagsapit ng gabi ay hindi pa rin ako bumaba. Kinatok ako ni Cecil sa aking silid pero sinabi ko na lang na masama talaga ang pakiramdam ko, kahit hindi naman. Thank God hindi na nila ako kinulit pa na sumabay sa kanila sa pagkain. I stared at my phone na may isang bar lang ng signal tapos pagkaraan ng ilang minuto ay mawawala na naman ito and then no service.

It was around eleven in the evening when I heard a soft knock outside my door. Isang katok na hindi naman masyadong malakas na tila ba nag iingat. I'm still awake because honestly hindi ako makatulog. I was listening to music while I'm sketching, pampalipas ng oras.

I decided to open the door at nagulat ako ng bumungad sa akin ang mukha ni Valentin. I was about to shut the door on his face ng bigla siyang pumasok sa loob.

"What are you doing?" nagtataka kong tanong. Valentin closed the door bago siya tumingin sa aking mga mata. Kaagad naman akong umiwas sa mga tingin niya at nagpunta sa aking kama.

Inilagay ni Valentin ang dala niyang plastic bag. Nilabas niya ang mga styrofoam meal boxes and If I'm not mistake may malaman iyong mga pagkain. Bigla tuloy akong nagutom kaya nagtalukbong na lang ako sa ilalim ng kumot at hinayaan siyang gawin kung anong gusto niya.

Obviously, he wants to make peace with me.

Ayoko nga!

Manigas siya!

I heard his steps came closer at naramdaman ko na umupo siya aking likuran. I held my comforter tightly.

"Ely, get up. You should eat," he humbly said.

"I'm not hungry," I replied at ang traydor ko naman tiyan ay biglang kumulo.

I heard him chuckle, "I see, you're not hungry indeed," ramdam ko ang pagtayo niya sa aking likuran and I was more shocked and what he did to me next. Bigla lang naman niya akong binuhat na parang bagong kasal.

The Brat son of Elite [BXB]Where stories live. Discover now