Chapter 16

355 37 2
                                    


Elyssa Gene's POV

Kasama ko ngayon si Valentin sa bayan para mag withdraw ng pera. Si Cecil naman ay nauna namin siyang hinatid sa mansyon dahil maghahanda pa sila ng pagkain para sa hapunan. Nandito kami ngayon sa isang remittance center para kunin ang pera na ipinadala sa akin ni Kuya.

This is my first time in a remittance center at ang dami palang kailangan isulat na mga detalye. Na sanay na kasi ako sa online transfer just by scanning their QR code. Tapos ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakuha ni Valentin ang pera.

Valentin handed me the money at saka ko naman ito binilang. Kinuha ko ang sampung libo at binigay sa kanya.

"Hindi ba't sinabi ko na huwag munang bayaran 'yon?" he said at saka binalik sa akin ang pera. I grabbed his hand at pilit kong pinahawak sa kanya ang sampung libo.

"Just keep it. Ayoko kasing nangungutang, isa pa pinaghirapan mo ang perang 'yon karapatan kong isauli sayo." I told him.

He sighed at tuluyang tinanggap ang pera. I don't know exactly how much I owed him pero okay na 'yon.

"You will still cook for me right?" tanong niya sa akin. I smiled at him at saka tumango.

"Oo naman. I love cooking dishes at ikaw ang gagawin kong taga tikim," natutuwa kong sambit. I giggled just thinking that Valentin would be tasting the dishes I made.

Natigil ako mula sa paglalakad ng napansin ko na hindi pala sumunod sa akin si Valentin. He was just standing where we stopped and just looking at me.

"Oh? Natulala ka?" tanong ko.

He's still staring at my face. I gulped and took a deep breath.

"Look, if there is something you want to say, just say it. Stop spacing out and stop staring at my face, you're creepy," I said. He's not creepy at all.

Sobrang bilis lang talaga ng tibok ng puso ko everytime he looked at me just like this. There's something about the way he looked at me that I couldn't explain.

Yumuko siya sa akin at saka umuling. "Don't mind me. Is there anywhere you want to go? Maaga pa naman." suhestyon niya.

Napaisip ako. Malapit na akong mag isang buwan dito sa St.Luke at hindi ko pa nilibot ang buong lugar.

"I don't know. I'm not familiar with the place. Do you have something you can recommend?" I asked him. Nakita ko naman na napaisip siya tapos lumingon siya sa akin na may malaking ngiti.

"Come. I'll show you something." he said. Kaya mabilis naman akong sumampa sa sa jeep at ganun rin siya. Kaagad niya itong pinaandar at mabilis pinatakbo ang sasakyan.

I don't know why he is in a hurry pero hinayaan ko na lang. He looks so focused on driving too fast and I don't wanna distract him kumapit na lang ako ng mahigpit dahil ayoko pang mamatay.

Nakarating kami sa tabing dagat at nang makababa ako, Valentin immediately held my hand at saka niya ako hinila papunta sa isang lugar na may kataasan. He stopped at saka lumingon sa akin.

"What?" I asked.

"Close your eyes,"

"And why?"

"Just do it."

I sighed at saka ako pumikit. I didn't even peaked because I don't wanna cheat. Naramdaman ko na nagpunta siya sa aking likuran at hinawakan ako sa balikat.

"Okay, slowly open your eyes," he said and I did what he instructed.

As I slowly opened my eyes. Biglang lumitaw sa akin ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. I'm watching it with an owe dahil sobrang breathtaking talaga ng lugar. We are just watching how the sun set habang unti-unti na naging golden and kalangitan. Tapos nasa mataas pa kami na lugar at ang ilalim namin ay dagat.

The Brat son of Elite [BXB]Where stories live. Discover now