02"

1K 16 0
                                    


  Naka-simangot si pavonine ng madatnan ng kaibigan sa labas nang kanilang bahay.

Hoy bruha bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nautangan na hindi na babayaran a. Saad ni paloma.

Paano ba naman kasi, wala pa rin akong mahanap na pwede kong applayan na trabaho. Naka simangot pa rin na sagot ng dalaga sa kaibigan.

Kaya nga ako pumunta dito dahil i-rerekomenda ko sana sayo ang posisyon ni abby.

I-rerekomenda? Bakit?

Nag resign na kasi si abby kanina lang, kaya hiring ngayon ang dating pwesto ni abby. Bukas pag pasok ko sumama ka saakin.

Diba sabi mo masungit ang amo ni abby.

Hindi naman, mabait yun si sir royce.

Sigurado ka?

Oo saka wala si sir, kaya ang mag i-interview sayo si sir jonathan.

Sino naman yun?. Naka kunot ang noo na tanong niya kay paloma.

Si sir jonathan montemayor ang presidente sa kompaniya at si sir royce ang  bise-presidente mag tatay sila. Paliwanag ni paloma.

Ah okay, sige susubukan kong mag apply doon. Excited na sagot niya.

Sige alis na ako, basta bukas mag kita na lang tayo dyan sa may kanto para sabay na tayong pumunta sa montemayor inc.

Oo, salamat girl ha.

Wala yun. Sige alis na ako.

Sinundan ng tingin ni pavonine ang kaibigan na lumabas sa kanilang bakuran. Nagulat pa siya ng marinig niya ang boses ng kaniyang ina.

Ano na naman ang ginawa dito ng kaibigan mo pavon?

Kinamusta lang ho ako inay, saka tinanong kong nakapag apply na daw ho ako. Kimi niyang sagot sa ina.

Kung sakali bang hindi ka pa nakapag apply e tutulungan ka ba niyang makapasok?. Paasik naman na ani ng kaniyang ina.

Siguro ho inay saka baka sakaling may bakante sa pinagtatrabahuhan niya. Panananggol niya naman sa kaibigan.

Ewan ko sainyo. May pera kaba dyan?

Wala na ho e.

Kahit kailan talaga napaka kuripot mo.

Hindi na lang siya sumagot sa ina, kahit kailan talaga napaka-sama niyang anak sa paningin nito sa totoo lang meron pa naman siyang limang daan itinago niya talaga iyon dahil mag aapply siya ulit bukas ng trabaho.

Buti pa ang ate rose mo, may pakinabang. Patuloy nito dahil sa hindi niya pag sagot.

E kung may pakinabang si ate bakit hindi niya kayo mapadalhan ng pera?.

Natural ng iipon ang ate mo, sa makalawa papadalhan na ako nun.

Ewan. Nasa abroad ang ate niya pero ni ha ni ho hindi nito magawang magparamdam sa kanilang mag nanay. Pero mabuti ito sa paningin ng kaniyang ina na hindi niya maintindihan kung bakit. Minsan naiisip niya na baka ampon lang siya o kaya anak siya sa labas ng kaniyang ama. Pero hindi naman siya galit sa kaniyang atr dahil naging mabait ito sa kaniya noong mga bata at nag dadalaga na sila.

Pavon? Matulog kana.

Opo.

Naglakad na ito papasok sa kanilang bahay, napa buntong-hininga na lamang siya sa ugali ng kaniyang ina. Masyado pang maaga pero gusto na nitong matulog siya hindi pa nga nito tinatanong kong kumain na ba siya.

Pavon, kumain ka na lamang dyan baka isipin mong wala akong paki-alam saiyo. Saad nito habang naka-silip ito sa pintuan ng kanilang bahay.

Oho inay mamaya ho, nagpapahinga lang ako. Sagot niya naman sa ina.

THE FIRST GRANDSON 'royce Montemayor'(series:1)Where stories live. Discover now