07:

649 14 0
                                    


  Kinabukasan hindi naka-pasok si pavonine dahil naabutan siya ng ulan kinagabihan ng pauwi siya  galing sa opisina nakalimutan niya kasing mag dala ng payong akala niya kasi ay hindi uulan dahil napaka ganda ng kalangitan ng umalis siya ng bahay at talagang iniwan siya ni paloma dahil nagtatampo parin ang kaibigan sa kaniya.

Pavon? Bangon na dyan kainin muna itong sopas na niluto ko. Ani ng kaniyang ate rose.

Bumangon na din siya dahil kumalam bigla ang kaniyang sikmura pagkarinig sa sinabi ng kaniyang ate rose.

Salamat ate rose sa sopas na niluto mo para saakin. Saad niya sa kaniyang kapatid.

Ano ka ba wala yun, natural na gagawin ko ito dahil kapatid kita. Sagot naman ng kaniyang ate rose

Bumangon na siya ng tuluyan saka lumapit sa maliit na mesa ng kaniyang silid nandoon ang mainit na sopas saka gatas.

O pano maiwan muna kita dyan?

Sige ate salamat ulit.

Sus wala yun, para saan pa at naging ate mo ako.

Tuluyan ng lumabas ang kaniyang kapatid sa kaniyang silid, naiwan naman na may ngiti sa mga labi si pavon napaka swerte niya sa part na may ate siyang mabait at maasikaso. Kalahati na ang kaniyang nakakain sa sopas ng marinig niyang nag ri-ring ang kaniyang telepono kaya agad niya itong kinuha mula sa kaniyang higaan.

Hello. Sagot niya.

Hoy girl, bakit hindi ka pumasok?

You didn't recieved my text messages? Takang tanong niya sa kaibigan.

Sorry but i can't. Saad naman nito.

O my god, galit ba si sir royce? Kinakabahang tanong niya sa kaibigan.

Hmmm... Hindi naman pero naka simangot.

Hala patay ako, baka matanggal ako sa trabaho.

Hindi naman siguro, sinabi ko na lamang na may sakit ka kaya hindi ka naka pasok. Bakit nga ba hindi ka nakapasok?

Yun na nga naabutan ako ng ulan kagabi, e alam mo naman kapag nababasa ako ng tubig ulan di'ba?

O siya, tugma naman pala sa sinabi ko ang totoong nangyari sa'yo hayaan mo ako na muna ang bahala sa mga trabaho mo dito.

Salamat girl huh, kung wala ka hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

Sus! Para saan pa at naging magkaibigan tayo. Paangil na saad naman ni paloma.

Basta salamat baka bukas makapasok na din ako.

Naku! Huwag ka munang pumasok kung hindi mo pa kaya, sige ibaba kona ito puntahan na lang kita mamaya dyan.

Sasagot pa sana siya ng bigla na lang siyang babaan ng tawag ni paloma. Kahit kailan talaga napaka-walang hiya ng babae na iyon.

Pag bungad niya sa pintuan ay nakasalubong niya si rose habang naka kunot ang noo nito.

Bakit ganyan ang noo mo ate?

E saan ka pupunta?

Sa kusina dadalhin ko ito. Sabay tingin sa dalang mga hugasin.

Sira ka talaga, hindi kapa magaling pero pinipilit muna ang sarili mo hala bumalik ka sa loob at ako na magdadala nito.

Naku ate hu'wag muna akong bini-baby no malaki na kaya ako.

Hindi kita bini-baby, ayaw ko lang na lumala yang sakit mo para bukas o kaya sa makalawa pwede ka ng pumasok sa trabaho alam ko naman na namimiss muna ang mag trabaho.

THE FIRST GRANDSON 'royce Montemayor'(series:1)Where stories live. Discover now